Hatred 33

183 4 0
                                    

Chapter 33

Maico's Burial


"Reign, wait..." pigil sa akin ni Mr. David.

Huminto ako sa akmang paghakbang at saka bumuntong-hininga. Nilingon ko si Direct nang may malamig na reaksyon.

"Sir?"

"Actually, I have something to offer for you. This is not actually big pero baka mapagtyagaan mo na rin. As of now, you know we can't give you the best offer." aniya.

Sabay na nagliwanag ang mukha ni Mamo at ni Jebriel. Gusto ko rin sanang matuwa pero nang maalalang maaaring ito na ngayon ang dahilan kaya tatanggapin na ni Jebriel ang offer sa kanya, nanlumo na naman ako.

"You are part of this project. Ito mismong movie na inoffer namin kay Jebriel. We are finding some extras and I think this will fit you. Hindi talaga ito malaki dahil sa isang scene ka lang naman lalabas, but I think the offer is still great."

Tumango ako, may nararamdamang panlulumo. Extra. It's actually stabbing me. Hindi sa nag-eexpect ako ng mga malalaking offers ngayon pero sa katotohanang, extra na lang ang kayang ibigay sa akin, nanghihina talaga ako. Maybe, because I'm not used being extras before. Lahat ng mga movies ko, ako palagi ang bida. Hindi raw kasi bagay sa akin ang extra.

But right now, I really see the big difference. I felt so disappointed and yet, I can't do anything about it.

"It's okay with me, Sir. As long as, it can't affect the movie."

"Well, we're really hoping." ngumiti siya ng tipid at saka nilingon si Jebriel. "I hope I could change your mind. Once you get decided, please visit me so that we can set meetings to all the production team and to your co-artists in this movie. You're welcome to my office anytime."

Hindi sumagot si Jebriel. Tumitig lang siya sa akin, nag-aabang sa reaksyon ko. I turned my back around and went inside my room, without saying a word to him.

Hindi na kami nagkausap ni Jebriel ng gabing iyon dahil bumalik na rin agad ako sa unit nang hindi niya alam. Kahit si Mamo, hindi ko na rin nakausap pa. Maybe, because he went busy. We're stressing her so much. Siya ang umaasikaso sa issue at mga nasuspendeng offers ko. I understand her to that.

Kinaumagahan ay isang desisyon ang napag-isipan ko. I wear black dress with my neck coated with gray shawl. I putted rimmed glass in my eyes and with a bouquet of flowers in my hands.

Bumuntong-hininga ako. Abot-abot ang tahip ng kaba sa aking dibdib. This day is Maico's burial. Hindi man ako sigurado kung pwede ba ang presensya ko roon, pero gusto kong pumunta. Not for anyone, but for Maico. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya at hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag hindi ko siya makita. Kahit sa huling pagkakataon.

"Thank you." ani ko sa taxi driver na noo'y titig na titig sa akin.

Lumunok ako at saka inayos ng mabuti ang aking shawl. Bumaba na ako sa sasakyan nang hindi kinukuha ang sukli. Alam kong nakilala na ako no'ng driver. Ayokong magsimula ng gulo so... as soon as possible, I need to adjust.

Abala ang mga tao sa paghahanda nang makarating ako sa venue ng lamay ni Maico. Maaga ako at nasisiguro kong mamaya pa ang libing ni Maico. Gayunpaman ay hindi ko inaasahan na marami-rami na rin pala talaga ang nandito.

Inilibot ko ang paningin. Everyone is wearing black. Lumunok ako, mas lalong kinabahan. Right on where I am standing, I immediately wish all the saint for my peaceful visit.

"God..." naibulong ko dahil sa sobrang kaba.

Abala ang mga tao kaya nang magsimula na akong maglakad papunta sa kabaong ni Maico, walang nakapansin. My eyes went teary the moment I saw his picture, and his pale face in the coffin. Pigil na pigil ko na ang luha ko nang haplusin ko ang salamin.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon