Hatred 41

198 4 4
                                    

Chapter 41

Evil Bitch

Nanatili ang gulat na nakatitig sa kanya! Kinikilabutan ako at halos hindi ko magawang makapagsalita! I couldn't believe this!

"How... H-How could you do this to me? A-Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa nanginginig na boses.

Fuck it! Paano niya nagagawa 'to?

"What do you think?"

Hindi ko magawang sumagot. Anger immediately crept within me. Why the hell is she asking me that? Mukha ba akong may alam?!

"Bakit mo 'to ginagawa? Ano 'to, Ericka! May galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali sa'yo? Do enlighten me! Wala akong maalalang may ginawa akong masama sa'yo!"

"Wala nga ba?" ngisi niya pero may bahid ng pagtitimpi iyon.

Fuck! What's happening to my best friend?

"You're not my best friend I know, anymore..."

"We'll, I'm not your best friend at all. Sino bang gustong makipagkaibigan sa taong inagaw ang sana ay nararapat sa akin?"

Nagulat ako roon. "What?"

She smirked evilly but anger was very evident on her face. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling iyon. She rolled her eyes and glance at the big man beside him.

"Chain her more tightly. Huwag mo hayaang makagalaw o kahit makapagpumiglas." she demanded.

The big man smile sweetly and cupped her waist. Halos tumindig ang balahibo ko sa kilabot!

"Yes, baby. Anything for you."

What the... hell?!

"Aalis lang ako sandali. Make sure--"

"Teka! Sandali lang! Mag-usap tayo, Ericka! Ano 'yong sinasabi mong inagaw ko, ha?! Wala akong inagaw sa'yo! Nababaliw ka na ba?" galit kong pigil sa kanya.

Nilingon niya ako at tiningnan ng sobrang sama. Natuptop ko ang sariling bibig.

"Wala kang inagaw?! Ganyan ba kakapal ang katawan mo para pati ang mga bagay na 'yon ay hindi mo alam? Inagaw mo ang lahat-lahat sa akin, Reign! Inagaw mo!"

"Anong ibig mong sabihin?!"

Sa malalaking hakbang, kinain niya ang distansyang nakapagitan sa amin. Takot ang agad na bumalot sa akin nang hawakan niya ng sobrang higpit ang panga ko at inilapit iyon sa nagliliyab niyang mga mata.

"Hindi ko talaga alam kung paano kita aalisin sa mundong ito, Reign. Nalilito ako kung anong gagawin ko sa'yo. Ang patayin ka sa paraang dahan-dahan, o sa paraang paspasan." galit na galit niyang sabi at malakas na sinampal ang aking pisngi.

Napaawang ang bibig ko roon. Agaran ang panunubig ng aking mga mata nang maramdaman ang sakit sa pisngi ko. Did she... just slapped me?

"Alam mo naman siguro ang possibleng dahilan ng pagkamuhi ko sa'yo, hindi ba? Simula no'ng nag-umpisa ka ng sumikat sa industriya, kinamumuhian na kita! Ang kapal kapal ng mukha mong kunin ang nararapat na sa akin! Ako ang unang naging official actress sa'yo pero dahil walang hiya ka, inunahan mo ang sanang pagiging sikat ko!"

Hinigpitan niya ang hawak sa akin. Halos maiyak ako sa nag-aapoy niyang mga mata.

"Do you remember the time when I told you I have the best offer way back? Ang saya-saya ko no'n dahil isa iyon sa pinapangarap kong project! Pero, no'ng nalaman ng Entertainment na nakuha ka sa final training, they decline the offer to me and they offer it to you instead! At alam mo ba kung bakit gustong-gusto ko 'yong offer na 'yon? It's because I will be pair to Jebriel Murillon! Magiging partner ko siya roon! At kung hindi mo naalala, ang project na 'yon ang umpisa ng pagsikat mo!"

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon