Hatred 26

187 6 1
                                    

Chapter 26

Maico Serrano

Nanibago ako sa mga sumunod na araw. Lalo na noong madatnan ko si Jebriel sa sala na bagaman kalmado ay bakas na bakas sa mukha ang matinding pagkabahala habang may kinakausap sa phone. In no reason, I feel strange. I feel that something went wrong. Kaya pala hindi ako nagising ngayon sa pang-aasar niya.

"Fuck... I don't have a deep say on this." narinig kong angil niya nang makalapit ako.

He turned to me and stand straightly when he notice me walking beside him.

"Who's that?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Matagal siyang tumitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit agarang uminit ang pisngi ko. It feels so embarrassing that even with his worried expression, naalala ko pa rin ang nangyari no'ng nakaraan dahil sa paninitig niya.

Damn it, Reign! You're not in the right timing to think that!

"It's... Mamo." nag-aalangan niyang sabi.

My eyes widen. "She is? Can I... Can I talk to her?"

"Later." seryoso niyang sabi.

Pinakinggan niya ang kung ano sa kabilang linya bago siya umiling ng paulit-ulit. Nangunot lalo ang noo ko.

"No. Not now, Mamo. Damn it! H'wag mo na ngang ipilit! Her controversy is still so fresh to her. Ni hindi pa nagbuwan nang mangyari ang malaking isyu niya. Please, not now." He said worriedly.

Kinabahan ako bigla. Hindi ko naririnig ang sinabi ni Mamo sa phone pero batid kong ayaw na ayaw ni Jebriel na sabihin iyon sa akin.

"Jeb, ano 'yan?" kuryoso kong tanong.

I don't know but even if he doesn't want to tell it to me, parang kailangan na kailangan kong malaman. And it's damn bothering me! Hindi ako matatahimik kapag ganito!

"I will eventually tell it to her. Hindi ko rin naman pwedeng itago, Mamo. Hayaan mo na lang akong magdesisyon kong kailan ko sasabihin."

Napapikit siya. Base sa kanyang reaksyon ay tila nahihirapan din siya sa kung ano. Mas lalong lumakas ang kaba ko sa dibdib. Ilang sandali niyang pinakinggan sa phone si Mamo bago siya nag-aalinlangang tumingin sa akin.

"Why did you want to talk to her?" angil niya sa kabilang linya, titig na titig sa akin.

Naghuhurumentado ang dibdib ko. Gayunpaman ay pinilit kong magmukhang normal sa harapan niya.

"Fine!" inis na singhal niya at inabot sa akin ang phone. "Mamo wants to talk to you,"

Walang pag-alinlangan kong kinuha ang phone niya. "Hello, Mamo?"

Hindi ko mapigilan ang excitement. Sa ilang araw ng pamamalagi ko rito ay hindi ko maipagkakailang namimiss ko talaga sila.

"Hi, dear." nahihimigan ko ang tuwa sa kanyang boses, pero mas nangingibabaw doon ang lungkot niya. "I miss you."

"I miss you too, Mamo!" maiiyak na yata ako.

Suminghap siya at mabigat na bumuntong-hininga. "How are you?"

"Ito, hindi pa rin maaalala ang nangyari." I sighed. "Kayo po diyan? How's Yeshen and Shanel?"

"Natutulog pa sila. Simula no'ng nangyari ang pagkalat ng isyu mo, dito na sila sa condo ko namamalagi. Halos gabi-gabing umiiyak dahil sa pag-aalala sa inyo."

May kung anong humaplos sa puso ko. Bumuntong-hininga ako at wala sa sariling napangiti.

"They did?" I try to stop my tears from falling.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon