Hatred 36

178 4 2
                                    

Chapter 36

Script Reading

Akala ko ay isahang pang-iinsulto lang ang matatanggap ni Reign mula sa ibang artista. Akala ko sa meeting lang mangyayari iyon. But, I'm not dumb to consider that thing as done already. Kasi, kahit ngayon na nasa isang pagtitipon kami at hinihintay na lang ang pagdating ng Director para sa script reading, Ramdan na ramdam ko pa rin ang naiinsultong titig sa kanya ng iilan.

Alam ko... alam na alam kong hangga't hindi napapatunayang walang sala si Reign sa lahat ng ito, mananatiling marumi ang tingin sa kanya ng lahat. Mananatili siyang may sala sa mga mata ng mga taong mapaghusga.

Noong una pa lang, alam ko na iyon. That's why I don't want to accept this project. Lalo na ang mga offers sa kanya. Yes, I want her to hold an offer dahil alam kong kahit ganito ang career niya, hindi pa rin maaalis doon ang katotohanang... magaling siya. Hindi lang sa pag-arte... kundi sa maraming bagay.

But, I better know it. Ngayon, mas lamang ang ayaw kong tumatanggap siya ng offer, kahit gaano pa 'yan kababa. My heart is dying everytime I saw the unshed tears in her eyes, pinipigilan ang pagtulo niyon. It feels so torture. Ang makita siyang ganoon ay unti-unti akong pinapatay.

"Oh my god, besh! I'm so glad to finally see you! Oh my gosh! I missed you so much!"

Bumeso ang maliksing si Ericka sa katabi ko. She hugged Reign so tight, longing for the presence of her best friend. Bumuntong-hininga ako, hindi maintindihan kung maiinis ba dahil sa paninitig ng ilan, o ang balewalain na lang iyon dahil may nagmamahal pa rin naman sa kanya maliban sa amin. Si Ericka.

"Hi, Ericka." my baby smiled.

And even with that simple but genuine smile, she made my heart melts.

"God! I didn't that you are part of this big project! Gosh, besh! I'm so happy that you still had this offer despite of what happened!"

"Ako rin. I didn't expect this too. Pero, kaunti lang ang parte ko rito. Extra lang." aniya at mapait na ngumiti.

I sighed silently but heavily.

"Sus! Para sa akin, ayos na 'yon! At least meron, hindi ba? And you know naman na... bawal ka pang humawak ng malaking project. You're case is still pending."

"Yeah..." she chuckled pero alam kong pilit iyon.

I bit my lower lip and softly held her waist. Hindi ko nakuha ang atensyon niya roon pero ayos lang. Ang importante ay nararamdaman niyang nandito ako palagi... para sa kanya.

"Eh, ikaw nga eh. I heard you have pending offers. Nafe-featured ka na rin sa sikat na magazine. You even have many follow up commercials. Tapos ngayon, malaki-laki pa ang role mo sa project na 'to. Bumibigat na ang career mo, ah? Hindi man lang kita nakita sa meeting kahapon." si Reign.

"Sorry. Nabusy ako kahapon sa magazine shoot kaya hindi ko nasipot ang meeting. I already excuse myself to Direct yesterday so, it's fine. Kung alam ko lang na nandoon ka sa meeting, e di sana, ipinagliban ko ang shoot ko!"

Umiling si Reign sa kanya at saka tipid na ngumiti.

"No, you don't need to do that. Mas mahalaga ang shoot mo, ano. At least, you showed up for our script reading today, right?"

"Right!"

They both chuckled. Hindi na ako sumingit. I know it is their moment together.

"I'm so happy these past days, best! Ang dami-dami ko ng offers sa Entertainment. My manager is already busy following it up. Ngayon lang siya nabusy ng ganito. Marami na rin kasing nakipag-set ng meeting sa akin dahil sa iba't ibang movie offers. So far, inaasikaso pa iyon ni Tita at ito na muna ang napagkasunduan naming tanggapin ko. It feels new because my week was quite busy for that matter, ibang-iba noon na ako pa ang naghahabol sa mga malalaking offers." nakangiting sabi ni Ericka.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon