Hatred 45

218 7 0
                                    

Chapter 45

Just Blinded

< REIGN >

Panay ang iyak ko habang pinoproseso nina Jebriel at Mamo ang lahat habang nagpapagaling ako. And when I'm trying to process everything too, I can't stop myself from thinking wild and cried so hard. I can't still believe what happened. It's still so magical how miracle came after me to do the saving. It's still so unbelievable that I was save from the trap that I thought I couldn't get any chances of hope.

Ngayon, habang nasa korte kami para makita ang pagpataw ng huling hustiya para kay Ericka at para sa akin, inaalala ko ang lahat-lahat ng mga nangyari. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapaiyak. Punong-puno ng pait ang buong sistema ko at parang pinipiga ang puso ko. Right now, I am still blaming myself! Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi lang din sana ako naging insensitive sa lahat.

I'm too blinded by the nonsense hatred I breed out to Jebriel, without knowing that there's one person who hated me the most... just like how my best friend, Ericka, blinded of her desperation to rise in the industry and to gain huge fame too.

"Inaamin ko po ang salang pagpatay sa biktimang si Maico Serrano at sa pagkakataon ding ito ay inaamin kong napag-utusan lamang akong gawin ang nasabing krimen ni Ericka Hornales. I honestly admit that I'm too blinded with love and desperation to grant everything she wants because I love her so much, kaya ko nagawa ang mga bagay na 'yon. But when she did something that moment to me, doon lang ako nagising sa katotohanang masyado lang din akong nabulag sa desperasyon kong gawin ang kung anong inuutos niya, mapasaakin lamang siya." pag-amin ni Vince, the big man, sa korte.

Nangilid ang mga luha ko. My hands are shaking na kailangan ko pang pisilin iyon para maikalma ang nakatanim pa ring takot sa akin. But before I could do that, a large hand immediately covered my cold and shaking hands.

Mas lalong uminit ang mga mata ko nang higitin ako ni Jebriel papalapit sa kanya habang hawak-hawak ang kamay ko. He keeps on kissing my forehead to calm me, kahit maging siya ay hindi na rin makalma sa umiigting niyang mga panga.

"Shh... It's okay. Hush, baby." he gently whisper and kissed me again.

"Ano bang ginawa ng suspek sa'yo noong nangyari ang sunog, Mr. Pasilong?" tanong ni Attorney Nheil Lacsamana, ang abogado ko.

Umiiyak na rin sina Shanel at Yeshen sa tabi ni Mamo. Jebriel's heavy breathing reminded me that he's still so angry because of what happened. Humigpit ang yakap niya sa akin.

Lumingon si Vince sa akusadong si Ericka na noo'y masamang-masama ang tingin sa kanya. Gusto ko na namang maluha habang tinitingnan siyang namumula ang mukha sa galit. Her reaction reminded me that moment again.

"Inutosan niya po akong sunugin ang silid na 'yon habang nasa loob pa si Reign. Akala ko ay sabay kaming tatakasan dalawa pero pagkatapos kong sindihan ang bahay, itinulak niya po ako sa may apoy. Kung hindi lang po agad naagapan iyong sunog, baka po ngayon, wala ako rito."

"Ang mga pasa at sunog ba na nasa iyong likod ang resulta ng pagtulak ng akusado sa'yo, Mr. Pasilong?"

"Opo."

Nagtagal pa ng ilang oras ang kasong iyon hanggang sa inanunsyo ng judge ang pagtatapos ng kaso at ang pagpataw kay Ericka bilang guilty sa krimen. Maliban sa testimony ni Vince, marami ring matibay na ebedensya laban sa kanya si Attorney Lacsamana, from Mazzle's death to Maico. Dumagdag pa sa tibay niyon ang testimonya ni Mika sa nangyari kay Maico na siyang nakapagpatapos lahat sa kaso.

Pinigilan ko ang mapaluha sa sakit habang tinatanaw ko si Ericka na panay ang sigaw at pagpupumiglas. Nakaposas siya at hawak-hawak na ng mga pulis para ikulong. Ganoon din si Vince na tahimik lang at sunod-sunuran sa mga pulisya.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon