Hatred 30

209 4 2
                                    

Chapter 30

Father's Story

Days went so fast. Unti-unti na ring humuhupa ang issue tungkol sa krimen pero gayunpaman, hindi pa rin mahinto ang mga iba't ibang paratang sa akin. Especially that, the justice of Maico Serrano's death is still being blame to me.

Ang isyu niyang iyon ang napagtuonan ng media kaya siguro humupa ng kaunti ang tungkol kay Mazzle. Ako man ang sinisi ng lahat sa pagkamatay niya, at least hindi ako ang pumatay sa kanya. Ako pa rin ang sentro pero ramdam kong humuhupa rin naman iyon kahit papaano.

I stayed in the house for the past days kagaya ng bilin sa akin ni Mamo. I tried to reach some appointments para may pagkakakitaan kahit kaunti lang habang nasa bahay ako, pero wala akong nakita. It seems like everybody is afraid to work with me.

Naiintindihan ko. Pero, mabigat pa rin talaga. Naninikip ang dibdib ko habang iniisip na kahit ang mga hindi kasikatang magazine at part time modeling ay inaayawan din ako.

"What are you doing here?!" salubong sa akin ni Kuya Sherwin, hindi ko inaasahan.

Agaran ang pamumutla ko habang nakatingin sa walang reaksyon niyang mukha. I choose to visit our home today after the issue subducted, but I didn't expect that he's still here. I thought... umuwi na siya sa Texas.

"K-Kuya..."

"Mabuti naman at nakalabas ka pa sa lungga mo, Reign? Magpapasalamat na sana ako kung doon ka lang. Ginugulo mo kami ni Mama!" aniya.

Wala na talagang mas sasakit pa sa mga salita ni Kuya. Kung masyadong harsh si Mama sa akin, mas lalo si Kuya. Wala siyang sinasanto, lalo na sa akin.

Like my mother, he also dislikes celebrities, cameras and crowds. Pinili niyang magtrabaho sa Texas nang malaman niyang nag-artista ako para makaiwas sa maingay na mundo ko. Sinubukan niyang isama si Mama pero ayaw nitong iwanan ang kakatayong coffee shop.

He dislikes me the moment I started auditioning. Mas lalong lumala iyon noong pumasa ako at naging sikat. He hates everything on me and on my work. Wala akong nakuha kahit isang suporta sa kanila at kahit masakit, sinanay ko ang sarili.

"K-Kuya..." nanginig ang boses ko.

"Bakit ka nandito? Idadamay mo na naman ba kami sa mundo mong iyan?" ngumisi siya pero walang halong tuwa iyon. "Oh, damay na pala kami. Pinagguguluhan na pala kami ng sankatutak na tagapangusisa ng media, na para bang alam namin ang nangyayari sa'yo."

Uminit ang mga mata ko. Inayos ko ang suot na shades at shawl saka ako naluluhang naupo sa sofa.

"K-Kuya, please... Nandito ako para kumustahin kayo. Huwag mo naman akong sumbatan ng ganyan."

"At anong gusto mong gawin ko, Reign?! Ang magpasalamat dahil sa wakas, bumisita ka rito dala-dala ang malaking problema mo?!"

"Hindi niyo ako hinahayaang bumisita ni Mama rito, Kuya. Dahil natatakot kayong baka masundan ako ng mga tagahangga! Anong gusto mong gawin ko?!"

"Muntik ng inatake si Mama dahil sa ginawa mong problema, Reign! How many times do I have to tell you that spare us from your fucking world! But look what you did? You let us face that freaking media while you're just hiding at wherever effin' place you are!"

"Hindi ko ginusto ang nangyari!" sigaw ko sa sama ng loob. Parang pinipiga ang puso sa mga sumbat niya. "I need to hide for my safety! Kasi kung sinubukan kong lumabas sa gitna ng gulong iyon, madadamay kayo!"

"Nadamay kami, Reign. Nadamay kami, lumabas ka man sa dulo ng gulo." tiim bagang niyang angil, nagsisimula ng magalit.

Mas lalong nanubig ang mga mata ko.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon