Hatred 4

288 13 2
                                    

Chapter 4

Hey, Gorgeous

The whole week was so tiring. Sunod-sunod ang takbo ng shooting namin para sa movie at naiistress pa ako sa sobrang sikip ng schedules. Sinabihan ko na nga lang si Mamo na tanggihan na iyong ibang offers namin sa modeling dahil nakaline-up pa raw ang mga live shows namin sa schedule.

It's really stressing. But it's the nature of my work and I got paid for it.

"Miss Reign, tubig po," inabutan ako ng tubig ni Shanel pero tinanggihan ko iyon dahil okay na ako.

Katatapos lang ng shooting namin ngayong araw at nandito na kami sa loob ng van, hinihintay na lang na makapasok si Jebriel dahil nagbanyo pa raw. I felt so tired. Gusto ko ng makauwi agad sa condo at nang makapagpahinga na ako nang maayos.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tinawag si Mamo na noo'y abala sa schedules namin.

"'Mo?" I called.

"Hmm?"

"Anong sched bukas?"

Napansin kong ibinalik niya ang tingin sa naunang pahinga bago siya bumaling sa akin.

"Hmm... Whole day shoot lang bukas ang schedule niyo unless walang sudden changes."

I feel slightly relief. At least no other sched.

"Pero masikip na ang schedule niyo for the next days until next month. Nakaline-up ang dalawang live shows niyo at may upcoming mall tour pa kayo. Photo shoots, guesting, meeting with the station's president, introductions, another movie offers and commercial shoots na kasali na sa schedule niyo are also getting near. Idagdag pa ang sunod-sunod na rehearsals niyong dalawa para sa production and mall tour. Saka iyong hosting niyo pa sa It'sTime guesting show and quick interviews for monthly magazine."

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko tuloy alam kung grateful ba talaga ako gayong maraming schedules o magsisisi dahil nacocompromise na namin ang health at ang kawalan namin ng oras sa sarili.

"And another thing... Siniguro mo na bang mapapaunlakan mo ang live interview ng iTVTime kasama ang Mama mo for next week?"

Awtomatikong natigilan ako sa tanong ni Mamo. Ilang sandali akong tumitig sa kanya bago huminga ng malalim.

"Hindi ko pa po nakakausap si Mama."

"You need to talk to her as soon as possible. By this week, iimbitahan ka na na for questions choosing. Kailangan mong siguraduhing mapapayag mo ang Mama mo sa interview so that we can insert that to your schedule."

"Alam niyo naman pong kahirap kumbinsihin si Mama. Ayaw niya sa harap ng maraming tao." ako.

Humalukipkip ako at sumulyap sa labas ng bintana. Now it's an additional stress again. Poproblemahin ko pa pala ang pangungumbinsi kay Mama maliban sa siksik na schedule namin. I volunteer to do it because I know my mom. She doesn't like the nature of my work.

"Do you want me to help? Sasamahan kita sa Mama mo." mahinahong tanong niya.

Ngumiti ako at umiling.

"Hindi na, 'Mo. I just need time to talk to her. Susubukan kong kumbinsihin na talaga siya, this time."

"Okay, if that's what you want. Susubukan ko na lang na ireschedule and ibang solo shoots mo sa ibang araw para magkabakante ka at makapunta sa Mama mo."

Tumango ako at mariin na napapikit. Humilig muli ako sa bintana at ibinigay doon ang buong timbang ko. My head's started aching. Hindi ko pa alam kung paano kumbinsihin si Mama. Sigurado akong mahihirapan na naman ako sa kanya at baka nga matanggihan ko ang interview na 'yon kapag hindi ko siya napapayag.

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon