Hatred 3

312 14 0
                                    

Chapter 3

So Intimidate

Nag-ayos lang ako sandali sa restroom pagkatapos ay lumabas na din agad. Pagbalik ko sa set ay sinalubong na ako ng mga stylists at agad na pinalibutan.

Wala sa sariling lumibot ang paningin ko sa buong set. Natigil ang mga mata ko kay Jebriel na nadatnan kong nakikipag-usap na sa mga staffs. Katulad ko, pinapalibutan na rin siya ng mga stylist at make-up artist. I blew a deep breath and relaxed myself. Mabuti naman at hindi na siya nakatingin. Binalingan ko ang mga stylists at ningitian ko sila bago ako umupo sa chair na para sa akin.

"I'm ready." usal ko at nagsipagtanguan agad sila.

Pagkatapos naming ayusan ay sinabi na sa amin ang mga gagawin bago kami sumalang ulit sa ser. Nagsimula na namang mangatog ang tuhod ko nang makita si Jebriel sa simpleng suot niyang creamy white fitted V-neck shirt and dark blue trousers. Bumakas ang form ng braso't katawan niya sa suot na shirt. And damn, even the watch on his wrist looks so attractive on him. Pinupuri ko ba talaga ang ungas na 'to?

"Team, you know what to do. Magagaling na kayong model pero this time, let's add some flavors. Instead of being fresh and cool, try to be sexy and sweet."

Muntik na akong napasinghap. Well, it's as if it's new to me. Wala sa sariling umirap na lamang ako. Nagsimula ng magbigay ng mga instructions sa amin ang photographer at pinigilan ko na lang ang pagsinghap sa mga instructions. Mas kailangan daw naming i-express ang sweetness sa shots so we need to be extra close and extra intimate to each other.

Walang kaso sana sa akin 'yon because I am always professional. Pero bakit ngayon pa? We're modeling wrist watch for Pete's sake! Pero wala naman akong karapatan magreklamo.

The manager clapped to catch everyone's attention.

"Okay, wrapped up, guys! Let's start!"

Then everybody moved.

Naka-on naman ang mga electric fan sa amin pero pakiramdam ko ay nawawalan pa rin ako ng hangin. Lumapit sa akin si Jebriel at hinawakan ako sa braso para maumpisahan na ang mga poses. Pinigilan ko ang mapalunok. My heart jumping abnormally when I also went near to him. Mabilis na hinuli niya ang kamay ko at siya na mismo ang nagpalibot noon sa tiyan niya, exposing the watch on my wrist. Umakbay siya sa akin at hinila niya ako papalapit sa kanya, placing his hand with the watch in below my naked shoulder. My breath heaved. I am now hugging him side way, while my head rested near his shoulder.

Sinubukan kong humarap sa camera na normal ang facial expression pero nadidistract ako sa kamay niyang bahagyang humahaplos sa balikat ko. Gusto kong pumikit. Pero pinigilan ko agad iyon nang maramdamang sunod-sunuran na ang flash ng camera sa amin.

Damn, I really don't understand why I've already done this one many times with him pero ngayon lang ako naging uneasy. Nakakasama ko na rin sa mga photo shoots ang ibang mga nagbibigatang celebrities and I am so confident. Ngayon lang talaga ako biglang hindi naging komportable.

"Relax, lady..." he chuckled softly. Parang biglang sinisilaban ng apoy ang pisngi ko.

Shit! He noticed me trembling!

"Shut up." I stopped myself. Mamamatay muna ako bago niya malamang naging uneasy ako sa kanya!

"Another poses, please..." the photographer commanded. Mahina agad siyang natawa nang humiwalay ako agad. Damn him!

Ang pangalawang pose ay nasa likod ko si Jebriel. He's hugging my waist daringly, exposing the wrist watch again. Ako naman ay nakatagilid ang ulo, to give his face a better view to the cam, at nakahawak ang may relo kong kamay sa ulo niyang malapit lang sa leeg ko. My heart started to pound wildly again. I'm so uneasy and I'm afraid I'll might fail this photo shoot! Lalo na't sa pose na 'to ay kailangang nakatitig sa akin si Jebriel at ako lang ang nakaharap sa camera. Oh my gosh!

Rains of Hatred (Celebrity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon