Mabilis lumipas ang oras, alas-otso na ng makalabas ako sa trabaho. Sumakay na ko ng tricycle at nagpahatid sa Palengke.
"Ito ho bayad" binigay ko na ang bayad. Sakto lang yun. Bente pesos wala nang sukli.
Agad akong nagtungo sa bilihan ng bigas.(Di ba si Kill yun? Ang pogi pogi niya talaga) rinig kong sabi ng dalagang nagbabantay sa tindahan ng mga damit.(Oo nga ih..napakakisig) napangiti naman ako sa tinuran ng babaeng kasama nung nagbabantay ng tindahan.Nang makarating ako sa bilihan. Langya ang daming bumibili. Buti nalang nakasingit ako.
"Sampung kilo nga ho dito sa trenta" agad naman akong nagbayad ng maibigay na. Nag tricycle nalang ulit ako pabalik dahil siguradong gagabihin ako lalo kapag nilakad ko pa.
Bigla akong napatingin sa gilid ng tulay ng may maaninag akong pigura ng isang tao. Bakit kasi walang poste ng ilaw dito. Kaya maraming naaaksidente eh. Mariin Kong pinakatitigan yun. Kitang kita ko ang pagbagsak nito.
"Manong saglit ho, tigil!" Agad namang tumigil yung tricycle driver.
"Ano ba yon boy?" Tanong nito.
"Manong ayon ho parang may nakita akong taong bumagsak. Puntahan ho natin " agad naman akong sinunod ni manong.
At nang mailawan isang babaeng nakaitim na jacket. Nakatagilid at naliligo sa sarili nitong dugo ang nakahandusay sa gilid ng tulay.
"Naku patay na ba yan?" Agad akong lumapit at sinalat ang pulso nito.
"Buhay pa ho siya" agad Kong pinangko ang babae at ipinasok sa tricycle. Sa likod nalang ako ni manong umangkas.
Pagdating sa bahay ay nagpatulong pako Kay manong na buhatin yung bigas dahil buhat buhat ko yung babae. Dinagdagan ko nalang ang bayad.
"Naku kang bata ka..pinabili lang kita ng bigas. Diko sinabing mag-uwi ka ng babaeng duguan" kinurot ako ni nanay sa tagiliran na ikinangiwi ko ng malupet.
"Eh nay alangan naman hong iwan ko. Diko ho yun Gawain. Tyaka mukang di basta basta ang nangyari sa kanya kawawa naman ho. Baka Mapagsamantalahan pa yan" paliwanag ko.
*ToBeContinue