Kill POV
*TIKTILAOK! TIKTILAOK!
"Ki! Bumangon ka na diyan! " naalimpungatan ako sa bunganga ng Lola ko. Humikab ako at nag-unat. Tanggal muna ng muta. Nagkakamot ako ng likod habang nag-lalakad palabas. Diretso sa poso at igib ng tubig habang nakapikit.
*Arf Arf Arf
" Magandang umaga Bruno" Antok na bati ko sa aso ko na Panay ang tahol. Matapos Kong mapuno ang timba. Agad ko na tong binuhat sa banyo na Nasa likod ng kubo. Matapos Kong maghilamos ay dumiretso ako Kay nanay na nag-sisiga.
" Magandang Umaga sa napaka ganda Kong lola! Anong Almusal natin?" Agad naman siyang nagulat sa ginawa ko.
"Hay naku ikaw na bata ka...buti nalang at wala akong sakit sa puso. Naandon na sa lamesa yung agahan" matapos ko siyang halikan sa pisngi ay tinungo ko na ang Lamesa. pritong Itlog at sinangag ang ulam. Nagtimpla muna ako ng kape bago kumain nang naka kamay.
"Anak bumili ka nga mamaya ng bigas sa palengke. Ubos na yung bigas natin di-ne. Ito pambili oh" agad ko namang inawat yung kamay ni nanay.
"Nay ako nang bahala..ipambili niyo nalang yan ng pagkain mamaya" sabi ko sabay higop sa kape.
"Oh siya sige..aalis muna ko at titignan ko ang tatay mo sa bukid baka pinagpapawisan na doon. Pakainin mo muna yung mga manok at yang si Bruno. Tapos hugasan mo yang pinagkainan mo at--nay alam ko po. Sige na puntahan mo na si tatay" awat ko sa kanya. Napatawa nalang ako ng makita ang nakakunot na noo nito.
"Hay mga matatanda nga naman" sabi ko at sinimulan ng maghugas. Matapos Kong pakainin ang mga hayop. Isinarado ko na ang pinto. At kinuha ang bagong bago Kong backpack na ilang taon ko nang ginagamit. Tagpi-tagpi pa. Puro tahi. Magandang brand to. Antibay nga eh.
Nilalakad ko lang ang Patisan mula sa amin hanggang sa kabilang barrio. Mga isang oras lang naman na lakadan. exercise din to.
Pawis na pawis ako ng makarating. Agad Kong hinubad ang T-shirt ko at pinalitan ng pamasok na damit na polo shirt.
"Tol on-time ka lagi ah" napailing nalang ako sa sinabi ng katrabaho ko.
"Yan nalang ba ang lagi mong bungad sakin tol?..ibang klase ka din eh nho?" Isang tawa lang ang sinagot niya matapos ay tinapik ako sa balikat at umalis.
*ToBeContinue
