MDDH 3

5 0 0
                                    


Kill POV

Hindi kadamihan ang dinala Kong gamit dahil sigurado akong babalik din kami dito, ikinandado na ni tatay Yung mga pintuan namin para walang makapasok.

" nay saan niyo ho dadalhin si bruno?" napansin ko kasi na buhat buhat ni nanay si bruno.

" sa kapitbahay di na natin ito maalagaan" agad kong inagaw kay nanay si bruno.

" simula bata ako si bruno na kasakasama ko" tangkang aawatin ako ni nanay ng sumingit ang babaeng yelo na to

" okay lang ho na isama niyo yung aso.. walang problema" anlamig parin ng boses.. pinaglihi ata to sa yelo eh.

" ga-ganun ba iha maraming salamat" isang tango lang ang isinagot nito. teka ano nga bang trabaho nito. anliit liit naman niya imposibleng kaedaran ko lang to

maya maya may tatlong sasakyang itim ang mabilis na nagsidatingan at huminto sa may harapan namin, naglabasan ang mga nakaitim na unipormadong mga lalaki, agad silang nagsiyukuan kay babaeng yelo,

"jefe" {trans: boss} isang tango lang ang isinagot niya, teka lang ngayon ko lang naalala diko pa nga pala alam ang pangalan niya.

"justo a tiempo. impresionante Isaac "{trans: right on time. impressive Isaac} ano bang lenggwahe yung sinasabi niya? sumasakit ulo ko sa kanila.

"tara na ho" pagkasabi ni babaeng yelo non agad nilang kinuha ang mga gamit namin, may isang tatangkain kunin sakin si bruno ng yakapin ko to. napansin ata yun ni babaeng yelo kaya nakisabat.

"dejalo"{trans: let him} agad namang umalis ang lalaki sa harapan ko. nakita kong inalalayan na sila lola pumasok sa sasakyan. tangkang susunod ako kung saan sila nakasakay ng hatakin niya yung braso ko,

" saakin ka sasabay" wala na akong nagawa ng makapasok kami sa loob, napayakap naman ako sa sarili ko pati si bruno umiingit sa lamig, kasing lamig nitong katabi ko.

" here" inabot niya sakin ang tila kumot .

" ayoko ng mainit" yun lang ang sinabi niya, umandar na ang sasakyan ganun din ang dalawa na nakasunod saamin.

"anong pangalan mo?" hindi ako sanay manahimik

" Irish" yun lang ang tanging sagot

"yun lang? wala kang apelyido? alien ka ba?" he stared at me, napapatulala talaga ako sa kulay ng mata niya.

" mamaya ko sasagutin ang mga tanong mo kapag nakauwi na ko" yun lang ang sinabi niya.

*K A T A H I M I K A N

" DI MO ALAM DAHIL SAYO AKO'Y DI MAKAKAIN DI RIN MAKATULOG BUHAT NG IYONG LOKOHIN KUNG AKO'Y MULING IIBIG SANA'Y DI MAGING KATULAD MO TULAD MO NA MAY PUSONG BATOOO---ump" nagulat ako ng sakalin niya ko bigla. Halos di na ko makahinga.

*ToBeContinue  

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon