"Isaac send them to their room. at ikaw Mr kill sumama ka sakin. The rest of you Salir !" {Trans: Leave} mabilis na nag-sialisan ang mga nakaunipormeng itim. Sinundan ko lang itong babaeng yelo este si Irish. Habang naglalakad kami diko maiwasang pagmasdan ang paligid. Ang daming gamit na hindi pamilyar sakin. At lahat mukang mamahalin. Pumasok kami sa isang kwarto. Opisina niya siguro ito.
"Maupo ka" umupo naman ako sa napakalambot na sofa. Bigla tuloy akong inantok.
"Mr Kill--- ah ano kill nalang masyado ka naman maka Mister" putol ko sa kanya sinamaan naman niya ko ng tingin na dahilan ng pagtaas ng balahibo ko sa katawan.
"Ano ba ang gusto mong malaman?" sabi niya habang seryosong nakatingin sakin.
"Sino ka ba talaga?" Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at tinignan ako ng diretso. At natulala na naman ako sa abo niyang mga mata. Napakaganda.
"Ako si Irish Verde Gris, 18, ang pinakabatang boss ng Mafia Mortalmente Hueca kilala ako bilang si Angel de Velocidad" O.O i-isa siyang Mafia boss?!
"isa kang masamang tao! Aalis na kami ngayon din, sinasabi ko na nga bang di ka mapagkakatiwalaan". Akmang aalis na ko ng bigla niya akong hagisan ng kutsilyo na agad ko namang iniwasan.
" hindi ka na pwedeng tumanggi. Kill. Kapag tumanggi ka kailangan kitang patayin kasama ang Lolo at Lola mo" hindi na talaga siya nakakatuwa.
" ikaw na bulilit ka.. Kebata bata mo pa..nakakapagsabi ka na ng ganyan. Hindi ako naniniwala na ikaw boss?! Mafia?! Networking ba to ah, o scam?! sabihin mo na at aalis na kami!" Hinampas ko ang lamesa niya.
" simula ngayon. Pagmamay-ari na kita...0.0" nanlaki ang mata ko nang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nang lumayo siya ay di parin ako makagalaw.
" wala ka nang magagawa Kill..Isaac" nakarinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng Isaac na yun.
"Bring him to his room now..magpahinga ka ng mabuti Kill dahil bukas na magsisimula ang kalbaryo mo" naramdaman ko nalang ang paghatak sakin ng taong yun.
"Mukang nagustuhan ka ng aming jefe, pag-igihan mo kung ganon" sa tapik ng taong to ako nabalik sa katinuan. Iniling Iling ko na lang ang ulo ko. Bwiset naisahan ako dun ah.
"Ito na ang magiging kwarto mo mula ngayon. Maiwan na kita" agad naman siyang umalis. Nang pihitin ko ang seradura ay biglang may nagsalita.
° please put the passcode on the screen°
Ano ba ito?!
*ToBeContinue