Continuation

4 0 0
                                    

  * C O N T I N U A T I O N *

•••
Kill POV

"Aray naman nanay.. Tyaka bakit niyo ho ba ko hinila dito.wag niyo Hong sabihin na papayag kayo sa alok nung babaeng Kasing lamig ng bloke ng yelo na yun?" Sabi ko habang hinihimas yung tenga ko.

" anak..wala namang mawawala satin. Mukha namang mabait yung babae. Tyaka anong pinagsasasabi mong bloke ng yelo. Magtigil ka nga sa kalokohan mo" napakamot ako sa ulo ko at napahilamos sa mukha.

"Nay..wag nga ho kayong basta basta magtitiwala. Hindi natin yang lubos na kilala." Sabi ko habang bumubulong.

"Hay naku kang bata ka. Mas maganda ang buhay doon sa maynila..hay ako nang bahala" napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Kahit kailan ang kulit ni Lola" napansin Kong wala nadin sa tabi ko si lolo.

"Hays naman" nakita Kong tumayo na yung babaeng yelo na yun. At walang emosyon na tumango kila nanay.

"Maraming salamat iha" hays wala na Kong magagawa mukhang sumang-ayon na nga sila. Hays matatanda nga naman.

" pwede bang makahiram ng phone mo?" Napaangat ang ulo ko ng marinig ang malamig na boses na yun.

"At bakit? Wala ka bang cellphone?" Masungit na sabi ko sa kanya. Mukha namang mayaman bakit wala tong cellphone.

" nahulog sa may tulay" ginulo ko ulit ang buhok ko sa inis.. Kinuha ko sa bulsa ko ang de-pindot Kong cellphone na burado na halos ang keypad.

"May pantawag ba to?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo meron..anong akala mo sakin?" Hindi naman niya ko tinignan. At tumalikod. At nagsimula nang mag-pipindot

" track this number.. And fetch me in a minute. I repeat in a minute.. I hate delays.. You know what will I gonna do to all of you" napakalamig talaga ng boses nito.

"Oh..sabihan mo yung Lola at lolo mo na wag na silang masyadong mag impake ng damit pati ikaw..at tyaka ihanda mo ang sarili mo" tinitigan niya ko. Kakaiba talaga ang mga mata niyang kulay abo. Diko alam na napatulala na pala ko. Tyaka may nalalaman pa siyang be ready, be ready ano yun eveready na battery?

"Anong sabi niya anak?"Napabuga nalang ako ng hangin.

"Magbasta na raw ho tayo at aalis na tayo mayamaya" kitang kita ko ang galak sa mukha ni nanay.   

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon