Continuation

3 0 0
                                    


* C O N T I N U A T I O N *

Nakaupo na ko sa upuan at ipinagsasandok ako ni Aling nena.  Ng kanin ng pumasok siya.

"Naku iho San ka ba nag-pu-pupunta?" Ramdam ko ang tingin niya sakin. Ngumisi lang ako.

Kinuha ko na ang tinidor at kutsara at akmang kakain na ng matigilan ako ramdam ko kasi ang pagtahimik ng paligid. Inangat ko naman ang ulo ko at tumingin.

"Ah..eh..i-iha ma-magdadasal muna tayo" dahan dahan ko namang ibinaba yung kubyertos at nag-sign of the cross. Nakita ko pang inirapan ako nang lalaking yon. Nakita Kong pumikit sila at yumuko samantalang ako, I just stare at them.

Nang matapos na sila ay ngumiti sakin ang dalawang matanda at inudyukan akong kumain.

✖✖✖

Matapos naming kumain ay sinabihan ko sila na gusto ko silang kausapin. Now were in a small living room. They all look at me and wait for me to speak.

"Gusto ko ho alukan ng trabaho sa maynila itong anak niyo ho na si...?" Hinintay ko silang sabihin ang pangalan ng nakatulala lang sila sakin.

"Kill Gunner Diosdado ang pangalan ko. Pwede mo naman akong tanungin miss" sabi niya na ang sama ng tingin sakin.

" ano bang klaseng trabaho yun iha. Tyaka may trabaho dito si Ki. At ayaw namin siyang mahiwalay samin" napatango ako. nanatiling walang emosyon ang mga mata ko.

" pwede ho kayong sumama Kay kill kung gusto niyo." Mukang natuwa naman sila. At kalaunan biglang nalungkot.

"Pe-pero iha. Wala kaming matitirhan kung sakali.. Wala na kaming kamag anak doon." Nakita ko ang pag-aalangan nila.

"Mas okay na kami dito. Tyaka hindi ako nakatapos ng pag-aaral kaya ano namang trabaho ang ibibigay mo sakin? Kahit na gusto Kong bigyan ng magandang buhay ang lolo at Lola ko hindi ako kakapit sa patalim" seryosong sabi niya.

" hindi naman masama ang ibibigay Kong trabaho. Makakatulong ka pa sa bansa. At kung tirahan, pagkain o kung ano pa man ang iniisip niyo. Ako na Hong bahala doon. " nakita Kong hinila ng Lola niya ang tenga ni Kill. Kasama ang lolo niya at lumayo sila ng bahagya sakin.

*ToBeContinue

👑👑

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon