Continuation

4 0 0
                                    



"Ikaw na bata ka nangonsensya ka pa..oh siya kuha moko ng daster don sa damitan ko" agad ko namang sinunod si nanay.

"Saan mo ba nakita yung babae anak?..baka may kaaway yan at madamay pa tayo" sabi sakin ni tatay habang tinutulungan ko siyang maghain

"Naku tay di ho tayo madadamay akong bahala..kawawa naman ho tay kung diko siya tinulungan paano kapag masasamang tao ang nakakita sa kanya dun. Edi napagsamantalahan pa yan" tinapik ni tatay ang likod ko.

"Napakabuti mo anak" napangiti naman ako at inakbayan siya.

"Mana lang ho ako sayo..oh kain na ho tayo" sabi ko at ipinaghain siya.

"Tawagin ko lang ho si nanay" agad akong pumunta sa kwarto ko. Para sana tawagin si nanay nang makasalubong ko ito.

"Anak.. May tattoo ang babaeng yun sa likod..Mukang binugbog siya andaming pasa.. At napakalalim ng saksak niya sa tagiliran..ano kayang ginawa sa kanya..napakagandang bata pa naman" andaldal talaga ng nanay ko.

"Nay wag mo na po alalahanin yun.. Kumain na po muna tayo" alalay ko sa kanya medyo mahina na kasi ang tuhod niya.

Matapos namin kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Habang sila'y.nagpapahinga na. matapos Kong isalansan ang mga pinggan at tahiin yung blouse nung babae ay nilabhan ko na din. Na kahit mahirap tanggalin yung dugo niya at may butas pa at naging malinis parin, pinakain ko na rin ang mga hayop. Matapos ay Isinara ko na ang pinto at bintana. Pati ang gasera na nagsisilbing ilaw namen. Pumunta nako sa kwarto ko. At napatampal nalang ako sa noo. Ng maalala na nakahiga nga pala yung babae sa higaan ko. Kaya wala akong magagawa kundi ang matulog sa duyan. Dito sa kwarto ko. Isasara ko na sana ang bintana ng makita ko ang itsura niya. Napanganga ako. Isa ba siyang diyosa na binagsak sa lupa sa sobrang ganda. Napakapayapa ng tulog niya. Diko maiwasan na di titigan ang buo niyang katawan. Napakakinis at sigurado ako na sexy din siya. Siya ba si sleeping beauty? O baka si belle ng beauty and the beast. Nailing iling ako. (Easy lang kill may sumasaludo na sayo. Kaya tigil na sa kakatitig. Bawal yan.) Nakaramdam ako ng init. Kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko. At nahiga na sa duyan.  

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon