MDDH 6

1 0 0
                                    

  Ulysses POV

"The x is equals to---asdfghjkl tinulugan ako ng walanghiya" napakamot nalang ako sa ulo at ibinagsak ang libro sa desk ko. Napangiti ako at napailing ng makita ko ang nakanganga niyang bibig habang may laway pa sa gilid ng labi.

"Ikaw palang ang lumaway sa lamesa ko. Nakakadiri ka" tumayo ako at nag unat at hinubad ang salamin ko. Maya maya napatitig sa kisame.

Isa din ako sa kinupkop ng mga gris. Natagpuan nila ako sa isang sekretong laboratory na illegal. Kung saan ako na dapat ang susunod na kakatayin para kunin yung organs ko. Isa akong batang palaboy ibig sabihin wala akong mga magulang. Pinabayaan ako ganon. Pero so Mr at Mrs Gris. Imbis na ipaampon ako dito nila ko dinala sa El Campo De Entrenamiento De Los Asesinos Reaper at pinag-aral ako. Matapos Kong makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Chemical Engineer. At may naiipundar na ko. Handa ako pakawalan ng mga Gris. Pinapili nila ko. Kalayaan o ang Mafia. Mas pinili ko ang pagsilbihan sila. Galit na galit at napuno ng poot at pighati ang mga miyembro sa mafia sa pagkamatay nila. Limang taong gulang pa lamang noon so jefe ng mangyari yon. Kaya ang don ang lolo muna ni jefe ang namahala sa organisasyon. Hanggang sa ang tamang edad ni jefe. Nawala ang dati niyang masiyahin at inosenteng mga mukha. Napalitan ng napakalamig na dalaga at nabahiran ng dugo ang kanyang mga kamay. Pero wala kaming nagawa. Siya ang jefe namin. Ang bawat salita niya ang masusunod. Napabuga ako ng hangin at tumayo sa upuan. 

"Kahit anong mangyari hindi parin magbabago ang gusto ko. Ang ialay ang buhay ko sa mga Gris. Ang mamatay sa puder na to" matalim at malamig Kong tingin sa salamin. Habang basang basa ang aking katawan dahil sa pagligo. 

  Umaga na.. At napagdesisyunan ko nang lumabas.. Baka gising na yun. Paglabas ko sa kwarto ko ay agad kong naamoy ang pinipiritong ulam. Napakunot noo ako sino naman kaya yung nagluluto? dali daling pumunta sa kusina ng lab ko. At halos mabitawan ko yung tablet ko.

"Kendeng Kendeng ipakita sa buong mundo..Kendeng Kendeng pampahaba to ng buhay niyo Kendeng Kendeng lahat tayo.. Whooo!--e-ehem PUTANGINA MO! aray!" Doon na ko napahagalpak ng tawa. Tanginan nito.

"Hahaha...hanep sa sayaw ah.." Kita ko ang galit niyang mukha na nakatingin sakin.

"Pakyu!" Haha. Tatawa tawa akong umupo sa upuan.

  "Sigurado kang masarap to ah.. Sinayawan mo at kinatahan mo eh" itinaas niya ang gitnang daliri bago inilapag ang pagkain. Haha laughtrip!

*ToBeContinue     

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon