MDDH 5

2 0 0
                                    

✖ MDDH#5 ✖
Kill POV

Argh..tangina baka mabaog ako.. Anlakas tumuhod ng bulilit nayun.

*TOK! TOK! TOK!

agad akong napatayo sa pagkakahiga sa sofa. Dahil sobrang sakit ni junjun.. Argh. Bwiset. Pagbukas ko ng pinto. Tumambad sakin ang lalaking nakasalamin na may mga asul na mata, nakasuot ito ng puting uniporme na karaniwan Kong nakikita sa hospital.

"You must be Kill Gunner Diosdado" napakunot ako ng noo. Ang naintindihan ko lang at yung pagbanggit niya ng pangalan ko.

"I see.. Ahmmm ikaw yung bagong trainee sa Camp..pwede bang pumasok?" Agad ko namang niluwagan yung pinto. Naupo siya sa sofa na inuupan kanina ng bulilit na yun.

" ako nga pala si Ulysses Clint.. Isa akong Chemical Specialist sa Mafia. Ako ang natalagang maglibot sayo at mag-gabay Simula ngayon" inilahad niya ang kamay niya. At tinanggap ko naman yun.

✖✖✖

Inilibot ako ni Ulysses sa buong Camp. At sa bawat mapuntahan namin at pinapakilala ako ni Ulysses. nalaman kong magkasing edad lang kami.

Talagang nakakamangha na may ganitong organisasyon sa pilipinas.

"Nalibot na natin ang kalahati ng  camp.. Mamaya na yung kalahati. Batid Kong gutom kana at ako rin" napatigil ako at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya.

"Ano?! Kalahati palang yun?!" Nanakit na't lahat ng paa at binti ko. Akala ko tapos na yung sa may huling building meron pa pala!.

"Oo.. Pero haha.. Kahit di na natin yun puntahan.. Mapupuntahan mo naman din yun. Kapag nagsasanay ka na" paliwanag niya habang patungo na kami sa kainan. Sa Canteen pala.

Nang makapasok kami.. Lahat ng tingin ay nasamin. Tumahimik din ang lugar.

(Balita ko siya daw yung bagong trainee na mismong si Jefe ang nagrecruit)

(Swerte naman niya. Siguro malakas siya)

(Tss..muka namang mahina ano kaya nakita ni jefe sa kanya. Di naman kagwapuhan) yan lang ang ilan Kong naririnig sa paligid na abot saaking pandinig.

"Ganyan talaga sila. Kapag may bagong mukha sa kampo. Sanayin mo na ang sarili mo. Talagang huhusgahan ka sa una. Kaya Wag kang magpapaapekto." Pumila na kami.

"Pero bakit ako?" Tanong ko na ikinalingon niya sakin. Mayamaya aty napangiti.

"Malamang may nakita si jefe sayo. Kaya ka niya napili. Maswerte ka kapag ganon. Di basta basta nahuhuli ang atensyon ng isang Ladiosa Mafia"{Trans: Goddess of Mafia}

"Ulysses dito Dude!" Tawag pansin ng isang grupo ng kalalakihan sa may bandang dulo. Habang naghahanap kami ng mauupuan.

*ToBeContinue

👑👑

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon