"Yow" nag tapikan ang sila Ulysses. Lima silang nakaupo pabilog sa lamesa.
"Ah boys.. Ito nga pala si Kill Gunner Diosdado ang bagong Trainee" pakilala sakin ni Ulysses
"Upo Ka dude.. Ako nga pala si Allan Keifer" nakipagkamay ako sa kanya. Pansin ko ang mga peklat niya sa braso at sa pisngi.
"Diesel Escaliber" pakilala naman ng isa na may kulay orange na buhok at naka shades pa.
" Joshua Shun" malamig na sabi naman ng may Navy Blue mga. Tila naligo naman itong isa sa gatas. Nasobrahan sa puti.
"Jonathan shun" halata naman na kambal sila. Parehas malamig at parehas maputi. Napatingin naman ako sa isa na may hawak ng tablet. Sabay pakita sakin nito.
{ AKO NGA PALA SI WESLEY EVERETT }
"Hindi siya nakakapagsalita.. Wala na siyang dila." Sabi ni Allan
"Sila pala ang Crimson Five.. Top 1 Rank dito sa pilipinas. Dito sila nakatira sa Kampo." Halos di pa ko nakakahuma sa mga nalaman. Nang may malakas na tumapik sa likod ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagpapahinga sa kama ko. Hayy grabe. Andaming nangyari ngayong araw. Ipinaliwanag sakin ni Ullyses ang mga gagawin ko bukas. Martial Arts agad ang una Kong isasanay.
Mukang kumikilos na ang babaeng yon. Hindi ko hahayaan na mabawi mo ang organization na to. Dahil akin to Simula palang at hindi sayong Ina. Hahaha.. Maaagaw ko rin sayo ang Mafiang hawak mo. My dear Niece.
"Kill gising na!" Hmmm sino ba yung nanbubulabog. Kitang natutulog yung tao eh.
" may natutulog wag kang maingay" sabi ko sabay taklob ng kumot at hilik ulit.
"Splash Anak ng...asdfghjkl Blag..putang ina!" Napaupo ako sa gulat. Ramdam ko ang basang basa kong damit at napatingin sa taong may gawa.
"Hirap mo gisingin..puta daig mo pa kapatid Kong early person..magbasta ka na. Simula na ng training mo. At ayaw ng mga instructor ang nalelate!" Sabi ni Ulysses na nakapameywang pa.
"Langya daig mo pa Lola ko" tumayo na ko at nagsimulang maglakad nang Blag
"Aish..tanga" sinamaan ko lang siya ng tingin at tinanggal ang nakapulupot pa saking kumot. Bwiset
*ToBeContinue