Continuation

2 0 0
                                    


* C O N T I N U A T I O N

"Hi-Hindi n-na ako ma-makahinga" agad naman niya ko binitawan ng malalagutan na ko ng hininga. Ubo ako ng ubo ng mabitawan niya ko.

"Itatak mo sa isip mo na ayaw na ayaw ko sa maiingay" napatingin nalang ako sa kanya. Papatayin talaga ako ng babaeng yelong to. Di na nga ulit ako kakanta.

✖✖✖

Diko namalayan na nakatulog na pala ko ng may maramdaman akong basa sa mukha ko.

"Bruno ano ba?!" agad akong inilayo ang mukha niya sakin. Dinidilaan ba naman ako.

Dun ko lang napansin na puro puno na itong dinadaanan namin.

" nasaan na ba tayo?" Napalingon ako sa katabi ko. At nakita Kong tulog siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Napakaamo at dyosang dyosa ang itsura. Pero paggising akala mo si Medusa na manunuklaw nalang bigla. Biglang pumreno ng malakas dahilan para masubsob ako sa harap.

" pag-sasakay ka sa sasakyan. Matuto kang mag-seatbelt" napalingon ako sa katabi ko. Kanina pa kaya siya gising?

" tss..Malay ko ba sa seatbelt na yan. Para sabihin ko sayo. Walang seatbelt sa tricycle at jeep." Paglingon ko nakalabas na pala. Siya. Bubuksan ko na sana yung pinto nang bigla itong bumukas kaya ang nangyari napangudngod ako sa sahig. Puta namang buhay to oh.

" ilang langgam ang nahuli mo?" Tinignan ko siya ng masama habang yung ibang lalaki na nakapalibot sa kanya at nagpipigil ng tawa.

" Malay ko ba kung ilan! Bwiset to!---0.0" nanlaki ang mata ko ng tutukan ako ng mga baril sa mismong ulo ko ng mga nakaunipormeng itim.

"Wag na wag mong pagsasalitaan ang jefe namin ng ganyan kung ayaw mong mabutas yang bungo mo" rinig na rinig ko ang pagkasa nila ng baril.

" put your guns down" kung hindi pa niya yun inutos. Maiihi na talaga ako sa pantalon ko. Ano ba itong pinasok ko?

" sundan moko" naramdaman ko nalang ang kamay ni nanay na kumawit sa braso ko.

"Okay ka lang ba anak?" Tanong ni tatay na ikinatango ko.

"O--okay lang ho" nanginginig Kong sabi. Tumama ako sa likod ng kung sino. Ito yung lalaking tinutukan ako ng baril. Masama niya Kong tinignan. Sapakin kita diyan. Makita mo tulog ka.

Doon ko lang napansin ang mga estatwa sa paligid. May napakalaking fountain sa likudan namin at marmol pa ito. Malinis pa ang tubig. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. At di ako nagkakamaling ginto ang karamihan na gamit dito sa bahay niya na mukang palasyo sa lawak.

*ToBeContinue

👑👑

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon