Irish POV
He is so clumsy. Agad ko silang pinuntahan,nagsi-yuko ang bawat madaanan ko. Lumapit ako Kay Kill na hanggang ngayon tulala. Huminto ako sa harapan niya. Tumingala siya at kitang kita ko ang bumalatay sa kanyang mga mata, galit, inis at pagkairita ang malinaw na sinasabi ng brown niyang mga Mata. Tumayo siya at pinagpag ang likuran.
"Saan mo ko dinala?" Bulyaw niya sakin. Halatang di nagustuhan ng mga nakarinig sa paligid. Kitang kita niya ang paglabas ng mga weapons sa paligid at direkta sa kanya na itinutok. I saw fear in his eyes a second. Agad niyang pinanatiling matapang ang itsura niya habang nakakuyom ang mga kamao. Napangisi ako.
"Down your weapons and leave us" agad naman nilang sinunod ang sinabi ko. At nagsi-alisan.
"Sumunod ka sakin..Kill at ipapaliwanag ko kung nasaan ka ngayon." Kita ko ang pagbuga niya ng hangin. Halos sabay kaming naglakad. Aaminin ko napakatangkad nga niya. 6 footer ata ito. Pansin ko ang paglibot niya ng tingin sa paligid.
"Isa itong Training Camp" napalingon siya sakin.
"Training Camp? Para naman saan? Military?" Kunot noo niyang tanong.
"Hindi ito sakop ng Gobyerno. Hiwalay ito sa kanila.Ang mga taong nandito sa Kampo. Ay mga mahihirap na may kakaibang kakayahan. Mga kriminal, magnanakaw, ampon, rebelde at mga palaboy sa daan. Ang mga magulang ko ang nagtayo ng Organization na ito." Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
"Bago ka manghusga. Gusto ko sabihin sayo. Na hindi ito illegal. Bagkus. Sinasanay namin silang magligtas ng buhay, tumulong sa nangangailangan at laging gumawa ng tama" tahimik lamang siyang nakikinig.
"Tinuturuan namin silang magbago. At gumawa ng mabuti sa kapwa ng walang hinihinging kapalit." Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
" Kailangan ko ng mga Reapers at isa ka sa mga Napili ko. Na magsisilbing personal kong gwardya at taga protekta. Dahil di biro ang maging isang Mafia Boss. Maaari akong mapahamak. Or worst mamatay." Napakunot noo siyang napatitig sakin.
"Ibig mo bang sabihin na? Isa ako sa magiging Reaper mo?" Di makapaniwala niyang sabi.
"Oo..kaya Simula sa araw na ito.. Mag-sasanay ka upang maging malakas..kung ayaw mong mamatay ng maaga" kita ko ang paglunok niya at panlalaki ng mata.
"May magagawa pa ba ko? Pinatira at pinakain mo kami sa pamamahay mo. Ito lang ang maisusukli ko sayong kabutihan. Kaya. Sige.. Oo na.. Putek napasubo na ko. Eh di lamunin ko na" minsan hindi ko magets ang ugaling meron siya.
*ToBeContinue