Gabi na ng matapos yung training at ngayon ko lang naramdaman ang pagsakit ng katawan ko. Putek..masyadong nabanat. Dumiretso ako sa may Canteen at kumain. Grabe ngayon lang kumalam ang tyan ko. Mag-isa akong kumain. Matapos ay nagpahinga muna ako ng saglit bago ko naisipan na maligo muna bago puntahan si Ulysses.
Ano kayang sasabihin niya sakin? At bakit niya ko pinapapunta sa lab niya. Isip isip ko habang patuloy na bumubuhos sa katawan ko ang malamig na tubig.
Pagdating ko sa harap ng Lab na itinuro sakin ni Wesley ng makasalubong ko siya, biglang nag-islide pabukas ang pinto. Pumasok ako sa malamig na silid. Pero parang wala namang nandito.
"Ulysses!" Tawag ko. Pero tanging tunog lang ng aircon ang maririnig sa loob.
"Ulysses!" Tawag ko pa.
"blag shit ansakit..nandiyan ka na pala" kita ko siya sa ilalim ng lamesa niya habang hinihimas ang kanyang ulo na nauntog.
"Sinong tanga ang nakatulog sa ilalim ng lamesa" sinamaan niya ko ng tingin. Inayos niya ang Lab coat niya at salamin sabay tayo.
"Ano ba yung sasabihin mo?" Agad akong naupo sa sofa na nandon at isinandal ang ulo ko sabay hikab. Inaantok na ko.
"Kailangan ko matuto ng iba't ibang lenggwahe. Dahil ang anim na reapers na hahanapin mo. Ay mga foreigners na may lahing Filipino. Medyo mahihirapan kang makipag usap sa kanila. Dahil ang ginagamit nila ay foreign language." Doon ako naiangar ang ulo ko. At pagod na pagod ko siyang tinignan.
"Anak ng putik naman! Bakit andami?!" Ginulo ko ang buhok ko. At napabuga ng hangin.
"Dahil ikaw ang una niyang nahanap. Ibig sabihin buhat sa ikaw ang maghahanap sa anim ikaw din ang tatayong leader o pinuno ng mga reapers na yon" napalaki lalo ang mata ko. Anak ng pitumpu't pitong tupa naman oo.
"At ang isang leader ay kailangan malakas at matalino. Kaya nandito ako para turuan ka ng Academics habang nagtetraining at hinahanap natin ang anim na yan sa ating paglalakabay sa susunod na buwan" napahiga nalang ako at napabuga lalo ng hangin.
