Continuation

2 0 0
                                    

  Putcha naman oh.. Nagulo ko nalang ang buhok ko at masamang tinignan yung pinto.

° please put your passcode on the screen°

Basta nalang ako nag type ng number sa umusling calculator sa may gilid ng pinto, bumukas lang tong pinto na to.

°Passcode incorrect°

"Argh..ano ba naman to?!"

°Voice Code is incorrect°

"Pwede ba ikaw na nagsasalitang diko alam! Papasukin mo na ko!" Sinipa ko yung pinto dahil sa inis.

°Voice Code is incorrect°

"Argh...123456789!" Sigaw ko

°Voice Code is Incorrect°

"Hays..nakakaputa talaga. Nakakainis!" Umiinit na talaga ang ulo ko. Argh di man lang sinabi ng batang yun at nung lalaking naghatid sakin dito kung pano ito buksan. Halatang halata na trip ako Hays kainis.

°Voice Code is Incorrect°

"1 2 3 4 >ENTER<" pagkapindot ko ng enter. Biglang nawala yung calculator.

°Passcode Correct°

Bigla nalang bumukas paslide yung pinto. Sabay ang pagbukas ng ilaw. Napayakap ako sa sarili ko. Anlamig naman dito. Kusang nagsara ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko katulad ng sa tarsier. Anlaki ng kama ko. At mukang malambot. May isang malaking bintana na natatakpan ng itim na kurtina. Binuksan ko ang isang Cabinet at lalong napamangha ng punong puno ng mga branded na damit ang Cabinet. Puro itim namang uniporme ang nakahanger. Iba't ibang klaseng sapatos naman ang mga nasa kaliwa. Mga nakahilera pa.

"Napakalaking damitan naman ito. Pwede nang maging kwarto" sabi ko habang sinisipat ang buong paligid. Agad nakong dumiretso sa kama at nahiga sa napakalambot na higaan, napatitig sa kisame. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang batang yelong yun. Anlakas ng loob magsabi ng pagmamay ari niya ko. Papayag naman ako eh. kung tutuusin mas matanda ako sa kanya. Hay buhay. Unti unti ko nang ipinikit ang mga mata ko. bigla nalang namatay ang mga ilaw pero ipinagsawalang bahala ko na yun dahil sa antok.

°°°

*KRING! KRING! KRING!

" ano ba naman yan ang ingay!" Dumapa ako at nagtaklob ng unan.

*TOK! TOK! TOK! TOK!

"Argh.. Ang aga namang mambulabog nito" bumangon na ko. At Diniretso ang pinto. Bumungad sakin ang lalaking naghatid sakin dito.

" pinapatawag ka na ng jefe.. Magbihis ka na at may pupuntahan kayo" agad na rin itong umalis.

Pagpasok ko ng banyo. Diko alam kung anong gagawin.

"San ba ang bukasan nito?" Pinindot ko ang isang button. At biglang may lumabas na tubig nang hawakan ko yun. Napatalon ako.

"Puta ang init!"bigla ko ulit pinindot at pinatay.

*ToBeContinue  

Mi Diosa De HieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon