Matapos Kong magbihis puting T-shirt at pantalon.. At maisuot ang natipuhan Kong rubber shoes. Ay lumabas na ko sa banyo ng basa ang buhok.. Himas himas ko ang kamay Kong namumula ng mapaso. Tangina ang hapdi.
*TOK! TOK! TOK!
binuksan ko ang pintuan at tumambad sakin ang lalaking naghatid sakin dito kagabi. Siya si Isaac dinig Kong banggit sa kanya ng bulilit na babaeng yelo na yun.
"Hinihintay ka na ni Jefe sa labas" isa din tong napakalamig ng boses. Siguro malalamig ang kinakain nila ditong pagkain.
Di parin ako makapaniwalang dito na kami nakatira. Sa ganitong kalaking bahay. Tyaka nasan ba ang magulang ng batang yun?.
"Matanong ko lang. Nasaan ang mga magulang ni Irish o mga kapatid niya kung meron?" Agad napatigil si Isaac at mas malamig akong tinignan.
"Wala akong karapatan magsabi nang kwento lalo at kung tungkol kay jefe, masyadong sensitibo ang tanong mo. Hayaan mong siya nalang ang mag-kwento sayo.. Halika na" agad naman akong natameme.
Nakarating kami sa lugar na tila hardin na napakaraming iba't ibang uri ng bulaklak. Napakasarap ng simoy ng hangin. Naaninag ko ang isang maliit na kubo kung saan nakaupo sila Lola.
"Jefe" agad nagbow si Isaac ng makarating kami. Sinalubong ako ng malalamig na kulay abong mga mata. Napalunok ako. Napansin ko ang suot niya. Naka white v-neck T-shirt rin siya at black leggings. Nagkataon lang siguro na parehas kami. Panandalian ko siyang nakitang napatingin sa damit ko, napalunok ako ng mapagawi ang tingin ko sa dibdib niya. Damn! Masasabi kong hindi siya flat.
" look at me Kill" napalunok ako at napatingin sa kanya.
"Anak..ayos ka lang ba?" Napalingon ako Kay Lola na nakatingin din sakin. Agad akong nagmano sa kanila at naupo sa tabi ni lolo
"Maupo ka. Mag-almusal muna tayo bago umalis" agad naman akong napatingin sa mga nakahandang pagkain. Tatlong ulam ang nakita ko. May Hotdog, Bacon, at piniritong itlog na medyo kakaiba ang luto at sinangag. Napansin ko na puro ulam at ilang tinapay lang yung nasa Plato niya at tinidor at kutsilyo ang hawak
"Anong tawag dito?" Turo ko sa kakaibang luto ng itlog.
"Omelet" malamig na sagot niya. Kumuha naman ako at tinikman. Hmmm masarap ah.
*ToBeContinue