"Anak alam mo ba napakasarap ng tulog namin ng iyong lolo.. Kahit na malamig. Napakalambot pa ng kama. Hindi na sumasakit ang likod ko." Kwento ni lola . habang kumakain ako ng naka kamay. Pansin ko ang titig sakin ni batang yelo. Napangisi ako sa aking isipan. Siguro naaastigan siya O nagagwapuhan sakin. Libreng libre naman ang tumitig.
"Tyaka anak. Napakabait ng batang ito. Ayaw kaming pagkilusin dito sa bahay niya. Tinanong ko kasi siya kung anong pwede kong gawin kapalit ng pagpapatira niya satin. Sabi niya bisita daw kami dito. Kaya wala kaming dapat gawin kundi magpahinga at mamasyal. Napakabait na bata" napatigil naman ako at napatingin Kay Irish. Tahimik lang siyang nakikinig.
"Hihintayin kita sa labas. Siguraduhin mo lang na di ka magtatagal" tumayo na siya at naglakad palayo. Diko Alam na napatitig ako sa kanya ng matagal. Matapos Kong uminom nang tubig at maghugas sa may gripo doon ay pinuntahan ko na siya at nagpaalam kila lola.
"Mag-iingat kayo anak" sabi ni lola na ikinatango ko lang..Nakita ko siyang nakatayo habang nakasandal sa isang motor. Nang makita niya ko ay agad siyang nagsuot ng helmet at sumakay. Inabutan din niya ko ng isa.
"Sakay" sumakay naman ako. At humawak sa likod. Diko inaasahan na mabilis ang kanyang pagpapatakbo kaya bigla akong napahawak sa bewang niya. Naramdaman ko na nagulat siya ng dumampi ang mga palad ko sa tyan niya. Damn! Bigla akong nakaramdaman ng init. Amoy na amoy ko ang napakabango niyang buhok. Diko maiwasang singhutin.Napaka bango niya. muntik na Kong mapasigaw ng bigla niyang binilisan lalo.
Bigla bigla din siyang pumreno at muntik pa Kong sumubsob. Grabe napaka kaskasera ng batang to. Dahil sa busy ako sa pagdadasal na sana di pa ko kunin ni god. Diko namalayan na huminto na pala kami sa mismong gitna ng gubat.
Pinanood ko lang siyang lumapit sa isang puno at may pinindot. Nakita ko siyang ngumisi sakin. Nangunot naman ang noo ko. Huli na nang makaalma pa ako. Nang biglang bumukas yung tinatapakan ko at bumulusok ako pababa. Hindi ko mapigilan mapamura. Putangina..ayoko pa mamatay. Tangina talaga. Ansakit ng pagkabagsak ko sa lupa.
"Tangina talaga" mura ko habang iniinda ang pangupo ko.
"Grabe.. Ang bagsak mo Pare..Haha. Nice one!" Dun ako napatigil at napatingala. At napanganga sa mga kalalakihan na nagpipigil ng tawa
Inilibot ko ang tingin ko. Napakalawak na lote. Naglalakihang building? May gantong lugar sa ibaba ng gubat?! 0.0