Chapter 1 Simula
***MEG POV***
MAY kabagalang pinagmasdan ko ang aking sarili sa may kalakihang salamin. Halos kalahati ng katawan ko ang nakikita ko dito. Basa ang buhok ko, namamasa parin ito sapagkat katatapos ko lang maligo. Kahit ang kulay abo kong t-shirt ay mahahalata ang pagkabasa nito dahil sa nakalatag doon ang may kahabaan kong buhok.
Parang kailan lang, hanggang balikat ko lang ito ngunit ngayon ay hanggang baywang ko na. Ang bilis lumipas ng panahon ngunit para sa akin ay tila kahapon lang nangyari ito.
Huminga ako ng malalim saka inayos ang bag na nakasakbay sa kaliwa kong balikat. Eksaktong paglingap ko. Nahagip ng aking mga mata ang may kahabaan at matalim na gunting. Wala sa sariling kinuha ko ito. Palipat-lipat ang mga mata ko dito pati na rin sa repleksiyon ko sa salamin.
Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Gusto kong maibsan ang sama ko ng loob sa sarili. Kahit kaunti lang. Kahit sa mga sandaling ito lang.
***END OF MEG POV***
***MELENDA POV***
HINANAP ng mga mata ko ang anak kong si Meg Ryan, dito sa kusina ngunit hindi ko siya nakita. Sa pagkakaalala ko tapos na siyang magbihis. Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Mag-se-seven na. "Nasaan na ba ang anak kong iyon."
"Si Meg ba Melenda?"
Bigla akong napapiksi matapos marinig ang boses ng kasamahan ko sa bahay. Nasa likod ko lang siya at may hawak na walis.
"Huwag mo nga akong gulatin Mayang." Sapo ang dibdib na angal ko. "Muntik ng lumabas sa katawan ko ang puso ko."
Itinirik niya ang mga mata. "'Wag kang ober Melenda. Hindi aalis ang puso mo kasi permanente na iyang nakatali diyan sa katawan mo."
"Mayang naman e."
"Wat-eber." maarteng pinitik ni Mayang ang maiksi niyang buhok. Mukhang ini-imagine na naman niya na mahaba ito. Bweno, hindi niya itong pwedeng pahabain ng sobrang kulot ng buhok niya. Mala-afro ang style niyon.
"Oo na." Natatawang pagsang-ayon ko. "Nakita mo ba si Meg Ryan?"
"Hindi ko pa siya nakitang bumababa. Baka nasa room niyo pa. Sige, may gagawin pa ako. Ciao me amiga." Pakimbot-kimbot na naglakad siya papunta sa sala. Parang mababali na ang katawan niya sa kakalakad.
"Si Mayang talaga." Kakamot-kamot na umalis ako sa kusina at bumalik ulit sa maid quarters kung saan naroroon ang silid namin ng anak ko.
"Meg?" wika ko pagbukas ko pa lang ng pinto. Agad kong hinanap ang anak ko ngunit wala rin siya dito. Kunot-noong pumasok ako at tinungo ang banyo, ngunit sa kasamaang palad wala pa rin siya. "Saan na kaya nagsusuot ang batang iyon?"
Pagkasara ko ng pinto ng banyo, natigil ang mga mata ko sa isang sulok. May ilang buhok na nagkalat sa sahig. Hindi mawala ang kalituhan sa anyo ko nang lapitan ko ito. Kumuha ako ng ilang hibla. Medyo may kahabaan ang buhok. Nahagip ng mga mata ko ang isang may kaliitang basurahan. Maraming buhok din doon. Sa maliit na mesa malapit sa kama, pansin ko ang matalim na gunting.
Nilapitan ko ito at pinagmasdan ng mabuti. May gamunggong na buhok ang nakadikit dito. May kabagalang nilingap ko ang pinto.
"Posible ba na..."
***END OF MELENDA PV***
***VEVIEN POV***
BINABASA MO ANG
Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and Identities
Teen FictionPAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kwento. -Sypnosis- Pinilit ni Meg Ryan ang sarili na umaktong masaya para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang maskarang kanyang dala...