Chapter 25 Breakfast

106 2 2
                                    

Chapter 25 Breakfast

***VEVIEN POV***

ILANG ulit kong pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Matagal ko ng alam na ipinanganak akong maganda. Ang tanging pinoproblema ko ngayon ay ang nananaba kong mga mata. I've been crying for the whole night. Ito na ang resulta ng pag-e-emote ko.

"Señorita Vevien," anang boses sa may pintuan.

Napaigtad ako gulat. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip tapos may bigla na lang kakatok sa pinto.

'Langya naman!

"Señorita Vevien?" tatlong katok muli ang narinig ko.

"B-bakit?" Hinilot ko ang kanang dibdib upang kalmahin iyon. Hindi kasi matigil ang mapilis nitong pagpintig.

"Mag-breakfast na raw po kayo sabi ng mama ninyo,"

"M-Mama?" Mahina kong bulalas. Ito na nga ang ikinakatakot ko. Ano ang idadahilan ko sa ibaba?

"Hinihintay niya na raw kayo señorita,"

"S-susunod na ako," nanginginig ang mga kamay na naghanap ako ng pwedeng panakip sa peste kong mga mga mata. Hanggang sa matoon iyon sa makapal at malaki kong shades.

"Pwede na ito," dagli ko itong kinuha at nagmamadaling bumaba.

Sana makalusot! Piping dasal ko.

"G-good morning ma," kabadong bati ko sa pagitan ng pag-upo.

"Good mor- Why are you wearing shades Vevien?" Mula sa malumanay hanggang naging tigre ang boses niya. "Remove it now!"

"P-pero ma h-hindi k-kasi-" Makikita mo ang tinatago ko!

"Tanggalin mo iyan ngayon din!" Maawtoridad niyang sabi.

Tarantang tumalima naman ako. Agad ko itong inalis at inilapat sa mesa. Kapag ang ina ko na ang nag-utos, lahat ng balahibo ko sa katawan nagsisiakyatan.

"Good, now let's..." she paused for a second. Ramdam ko ang mataman niyang pagtitig sa akin.

Sunud-sunod kong nilunok ang laway ko at humihiling na sana hindi ako ulanin ng mga katanungan ngayong umaga. Hindi ko alam kung paano sasagot. Iniyakan ko lang naman ang kawawa kong kapatid. Ang mga nagawa kong pangingialam sa buhay pag-ibig ng mga ito.

"Ito na nga ba ang sinasabi kong bata ka." Kalmado ngunit may masamang patutunguhan ang mga salita niya. "Ilang ulit ko ba na kailangang sabihin sa iyo na tumigil ka na sa kakanood ng koreanovela na iyan, umiiyak ka na parang tanga!"

"S-sorry ma!" Naluluha na humihingi ako ng paumanhin. "Hindi na ako manonood ng..."

Saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Ano nga ulit ang sinabi niya?

"H-ha?"

"Akala mo yata hindi ko alam na nagbabaliw-baliwan ka na naman sa mga Koreanong iyan. Mahalin mo ang sariling atin Vevien!" pangaral ng ina ko.

"K-koreanovela?"

"Nag-a-adik ka na naman diyan." Mom rolled her eyes. "You must love Filipino movies. Malaki pa ang maiko-contribute mo sa industriya."

Nagsilaglagan ang mga balikat kasama na doon ang panga ko. Tama ba ang naririnig ko? Iniisip ng ina ko na ang pagnood ko ng koreanovela ang nagpaiyak sa akin? Lihim akong nagbunyi. Mapapakinabangan ko talaga ang kabaliwan kong ito. Ligtas na ako sa nang-uusig na mga mata niya.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon