Chapter 19 Mourning

152 5 5
                                    

Chapter 19 Mourning

***MEG POV***

ILANG ulit akong nagpakawala ng buntong-hininga habang iniyuyukyuk ang mukha ko sa arm chair. Wala akong lakas, isama niyo na rin ang isang kaisipan na wala rin ako sa aking sarili.

Matapos akong ma-Ospital, marami ang nagbago. Kagaya na lang ni Ward, napapansin ko na masyado na siyang mabait o mas tamang sabihin ay masyadong mahigpit sa akin. Kagaya na lang kahapon.

"Meg!"

Bigla akong napabalikwas ng bangon pagkarinig ko sa nakakatakot na boses na iyon. Pagtingin ko sa pinto, kita ko ang hindi maipintang mukha nitong kaibigan kong si Ward. Ilang ulit kong ikinurap ang mga mata sa labis na pagtataka. Gusto kong manigurado. Sanay ako sa palangiti niyang mga matang nakatitig sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito, iba ang nakikita ko. Nag-isang guhit ang noo ni Ward. Ito ang unang beses na nakita ko siya sa ganitong anyo.

Mariin akong umiling. Tiwala ako sa kabaitan niya kaya naman wala akong dapat na ikatakot.

"B-Bakit?" Lihim akong lumunok ng laway.

"Why are you still here?" aniya, pumipintig ang ugat sa noo. Ang kamao naman niya ay nakakuyom, parang may pinipigil na kung ano.

"N-Natutulog?"

"Meg!"

Napapitlag ako sa bigla niyang pagtaas ng boses.

"Sinabi ko naman sa iyo na kumain ka sa tamang oras, hindi ba?"

Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango.

"Kung ganoon, bakit hanggang ngayon nakahiga ka pa rin diyan?!" Labas usok sa ilong na pangaral niya sa akin.

"Ahh..." Ang tanging nagawa ko ay ang ikurap ng ilang ulit ang mga mata ko. Na-we-werduhan ako sa kanya.

Meg!" ulit niya.

Muli akong napapitlag. Marahil napansin niya iyon. Matagal niya akong tinitigan. Ang mukha niyang nakakatakot, bumalik ito sa dati na ubod ng lambot. Sunod napa-squat siya ng upo, sabay sapo sa mukha niya.

"M-may problema ba?"

"N-No," mariin siyang umiling. Sunod tinitigan niya ako, nasa mukha pa rin niya ang mga kamay habang ginagawa iyon. "I'm sorry if I scared you."

"Ahh..." ang kalituhan na bumabalot sa pagkatao ko ay naglaho matapos marinig at makita siyang ganito. Ang paraan ng pagtingin niya, gaya nang mga sandaling hinila niya ako paalis sa masquerade party.

Tumayo ako at nilapitan siya. Nang nasa harap ko na siya, yumukod ako para naman magkapantay kami. Itinaas ko ang isang kamay at hinawakan ang itaas na bahagi ng buhok niya at masuyo itong hinaplos.

"Ayos lang sa akin," ngumiti ako upang ipakita sa kanya ang totoo.

Ngunit, kahit napag-usapan na namin ito. Sunud-sunod pa rin itong naulit. Lagi siyang nawawala sa kanyang sarili. Mabilis siyang nagagalit at humihingi ng sorry pagkatapos. Ang weird lang e. Hindi ako sanay kapag ganoon siya. Dati-rati kalmado siya at ubod ng pasensiyoso kaso ngayon, ang laki nang ipinagbago niya.

Maliban doon, si Vevien naman, sa tuwing magkakasalubong kami sa bahay, lagi siyang nagbibiglang-liko. Kesyo, may naiwan sa kung saan o kaya naman biglang magkukulong sa kwarto niya.

Kanina, bago ako nakapasok sa silid namin, nakasalubong ko ang ilang ka-classmate ko.

"Meg, nagkausap na ba kayo ni Vevien?" salubong sa akin ni Gemma, isa sa mga ka-clanmate ko.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon