Chapter 21 Angel

83 4 2
                                    

Chapter 21 Angel

***MEG POV***

"MAAYOS na ba ang pakiramdam mo Miss?" nakangiting tanong sa akin ng babaeng nakasuot ng puti at mahabang roba. Mahaba ang kanyang buhok at medyo kulot ang dulo. Kung mukha naman ang pag-uusapan, sobrang amo niyon at ang ganda.

Anghel ba ang isang ito?

"Miss?" ayon na naman ang ngiti niya. Kahit nakakunot ang noo, hindi ko mapigilan ang hangaan ang kagandahan niya.

Nasaan na ba ako?

Inikot ko ang paningin sa paligid para makasigurado. Puti ang pintura. Walang dumi kahit na kaunti. Pagtingin ko sa kanang bahagi, naroroon ang bintana. Sa kaliwa naman ay may tubo na nakakabit sa pader, mayroon itong kurtinang puti. Kalahati lang ang nakaharang kaya kita ko ang isa pang kama.

Teka! Anong lugar na ba itong napuntahan ko?

"Miss?" anang malumanay na boses.

Ikinurap ko ng ilang ulit ang mga mata. Nagbabakasali ako na mawala siya sa harapan ko kagaya na lang ng batang babae na laging gumugulo sa akin. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi pa rin siya naglalaho. Nandito pa rin ang magandang babae.

"Oh, I'm so sorry. I forgot to introduce myself." She's still smiling.

Anghel ba ang babaeng ito?

"Bye the way I'm Tha-"

"Anghel ka ba?" isinatinig ko ang katanungang isinisigaw ng utak ko.

"H-Ha?" Nagkaguhit ang noo niya ngunit kahit ganoon hindi nababawasan ang karisma niyang taglay. Pwede ba na humiling na maging gaya ko siya. Baka kasi ako pa ang piliin ng taong iyon.

Saglit akong natigilan.

Ngali-ngaling batukan ko ang sarili. Ano ba ang gusto kong mangyari? Kahit na ano pa ang mukha ko, wala pa ring magbabago. Kainis. Erase, erase, erase. Kailangan ko ng tanggalin ito sa puso't isip ko. Ako ang may gustong tapusin ang lahat. Kaya nararapat lamang na lumimot na ako.

"Are you okay Miss?"

"Nasa langit na ba ako miss anghel?" kapag kuwa'y tanong ko. Malamang dead na ako. Kung tama ang pagkakaalala ko, napahakbang ako palabas ng school dahil halos mamatay-matay na ako sa sakit. Tapos may nakasalubong akong itim na kotse. Wala na akong maalala matapos niyon.

"Ha?" aniya.

"Miss Anghel, di ba kung nasa heaven ka na. Wala ka na dapat na maramdamang sakit?" dinama ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko kung nasaan naroroon ang puso ko. "Bakit sa tuwing maaalala ko siya... bakit ang sakit?"

Brendon, pagpahingahin mo naman ako!

"Ah..." may kinuha siyang silya at doon umupo. Hindi niya inihihiwalay ang mga mata sa akin.

"Desisyon ko naman po ang lahat. Natalo ako sa pustahan." Pagak akong tumawa. Kahit naman na manalo ako, talo pa rin ako sa huli.

"Sabihin niyo po Miss Anghel. Mawawala na ba ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?"

"Oh, you poor thing," pinagtagpo niya ang palad upang takpan ang bibig. Sunod, niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, sa pagyakap niyang ito, nababawasan ang alalahanin ko. I feel comfortable with her.

"Kung ano man ang nararanasan at nararamdaman mo ngayong sakit, mawawala din iyan. Everything's gonna be fine my dear,"

Tumango ako at isiniksik ang mukha sa leeg niya. Doon ko lang namalayan na kusa na namang pumatak ang mga luha ko. Masyadong kumplikado ang pinasukan ko. Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Kung sino ang pagbubuntunan ko ng sisi.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon