Chapter 14 Darkness

186 20 10
                                    

***MEG POV***

INAYOS ko ang aking pagkakatayo nang hindi inaalis ang mga mata ko kay Brendon. Dahilan para bumilis lang lalo ang tibok ng aking puso.

"W-who are you?" bakas ang kalituhan sa kanyang anyo kahit nababalot siya ng berdeng kulay.

Napangiti ako. Kahit ano man ang ilagay niya sa kanyang mukha, hindi nababawasan ang kapogian niyang taglay. Siya pa rin ito, ang lalaking naglaan sa akin ng panahon. Na sa kabila ng kanyang pagsusungit ay nagagawa pa rin na mag-alala sa akin.

Huminga ako ng malalim. Ibinuka ko ang bibig para sagutin ang kanyang katanungan ngunit naalala ko ang bilin sa akin ni fairy godfather. Kailangan na tikom ang bibig ko sa lahat ng oras.

Kaya naman binitawan ko ang kamay niya at nagsimulang magsulat sa notepad. Mabuti na lang hindi ko naiwala ang marker sa biglaan kong pagkakatumba kanina.

"Pwede mo ba akong isayaw?" ipinakita ko sa kanya ang sulat ko. Kabado ako hanggang ngayon. Oo nga't nagtagumpay ako sa una, sa paghabol sa kanya. Malay ko naman na sa pagkakataong ito, sumablay ako.

Kinabog ng husto ang kaliwang bahagi ng dibdib ko dahil sa ginawa niyang pagtango. Umaapaw ang puso ko sa labis na kasiyahan.

Tuwid ang pagkakatayo ko dahil hindi ko alam kung anong anggulo ng aking kamay sapagkat bago sa akin ang lahat. Ito ang unang pagkakataon na sasayaw ako. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganito ngunit sinunggaban ko lang ang pagkakataon, makasama ko lang ang lalaking itinitibok ng aking puso.

Tahimik na lumapit sa akin si Brendon. Inilahad niya ang isa niyang kamay. Kabado ko naman itong inabot. Parang sasabog ang puso ko sa labis na kaba na bumabalot sa buo kong pagkatao. Ito ang matagal ko ng hinihintay. Ang makasama siya, ang mapalapit sa kanya nang walang pumipigil sa akin.

Buong pag-iingat na inikot niya ang isang kamay sa baywang ko habang ang isa naman ay umaalalay sa isa kong kamay. May kaunti akong kirot na naramdaman ngunit pilit ko itong ininda. Kaunting oras lang ang mananakaw ko, makasama lang si Brendon.

Ang natitira kong kamay ay inilapat niya sa kanyang balikat. Nandoon ang notepad. Kaya heto kami, kaunting espasyo na lang ang namamagitan. Ang puso ko, nilalamon ng kilig.

Naipikit ko ang mga mata nang maamoy ang pabango niya. Hindi iyon masakit sa ilong. Sa katunayan, napapanatag ako kapag naamoy iyon. Masyado na ba akong maharot ngayon? Masama na ba ako dahil natototo na akong pagnasaan ang lalaking mahal ko? Nagiging masama na ba ako dahil nagiging selfish na ako ukol sa nararamdaman ko? Gusto ko siyang makasama kahit na bawal. Kahit na hindi ako ang nababagay sa kanya.

Tila tinutukso ako ng aking alaala, muli kasing nagsisulputan ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Mula ng awayin niya ako na nauwi sa pagtatanggol. Ang mga sandaling umamin siya ng kanyang nararamdaman. Kung paano niya ginamot ang sugat ko na si Ward ang nagtapos dahil hindi niya kaya na makita akong nasasaktan. At ang araw kung saan kami naghiwalay.

Inaamin ko na kahit papaano ay naging masaya ako nang makulong kaming dalawa, kahit hindi natuloy ang kasal-kasalan na iyon. Wala nang sasaya sa akin ang makasama siya kahit saglit lang. Kahit ngayon lang. Dahil ganoon ko siya kamahal. Higit pa sa ano pa man.

"Hey,"

Napamulat ako bigla dahilan para magtama ang aming mga mata. Nakikita ko ang kalituhan doon. Kampante ako na hindi niya ako makikilala. Dahil kalahati ng mukha ko ay natatakpan ng maskara. Maliban doon may pekeng nunal ang ikinabit sakaliwang bahagi ng pisngi ko. Pati ang buhok ko na maikli ay natakpan ng wig. Ipinagpapasalamat ko ito kay Fairy godfather.

"Why you suddenly look sad?" he said.

Ikinurap ko ng ilang ulit ang mga mata. Paano niya naman nalaman na nalulungkot ako? May suot akong maskara. Posible ba 'yon? Para kasing hindi.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon