Chapter 23 Confession
***MEG POV***
MAINGAT kong idinampi ang bolak sa gilid ng labi ni Brendon. Wala kaming imikan mula pa kanina. Basta ang tanging tumatak sa isipan ko ay hinila niya ako papunta sa silid niya matapos ang yakapang iyon.
Tamihik kaming nakaupo sa kama. Wala ni isa sa amin ang may balak na magsalita. Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa pisngi niyang may bahid na sugat. Kaya naman hindi na ako nakatiis. Nagkusa akong tumayo at tinungo ang labasan. Mabilis naman akong pinigil ni Brendon, hinuli niya ang kamay ko. Masyado itong mahigpit. Inaamin ko na nasasaktan ako.
Sinulyapan ko ang mukha niya. Dahil ba sa sakit kaya naghahalusinasyon na ako? Para kasing may bahid ng hinanakit ang mga mata niya.
Isinawalang bahala ko ang nakikita. Pilit akong nanlaban. Gamit ang isang kamay, buong pwersa kong binaklas ang kamay niyang nakahawak sa akin. Hanggang sa mapagtagumpayan ko ito.
Hindi siya nagsalita, yumuko lamang siya at ikinuyom ang mga kamay. I felt something inside me. Pain. I don't want to leave him but I have too.
"Babalik ako," matapos ko itong sabihin, nagpatuloy ako sa pag-alis. Nang mahanap ko ang medical kit na nakalagay sa itaas ng cabinet sa kusina, mabilis kong tinakbo ang silid ni Brendon.
Heto siya nakahiga habang nabukas ang mga palad na nakatingin sa kisame. Pagbagsak ko ng medical kit sa mesa na katabi niya, saka pa niya ako nilingon. Bakas sa mukha ang pagtataka habang paunti-unti siyang bumabangon. Ang mga mata ay hindi inililihis sa akin.
"Gagamutin kita," wika ko.
Ito ang kanina ko pa ginagawa. Maingat ko siyang ginagamot. Kahit na nakakabingi ang katahimikan, para sa akin mas mabuti na ito. Ayokong magtanong kung bakit siya nagkakaganito. Lalo na ang nangyari kanina. Ang tagpo kung saan nakita ko silang nagkasakitan ng pisikal.
Hanggang ngayon ay naririto pa rin sa dibdib ko ang takot. Hindi ako sanay.
"Do you like him?" basag ni Brendon sa katahimikan.
Natigil naman ako sa pagdampi sa pisngi niya at maang na napatingin sa mukha niya na malapit na pala sa akin. Gahibla na lamang ang layo kaya naman mabilis akong umatras.
"A-Ano ang..." huminga ako ng malalim para kalmahin ang puso ko na muling nagrigudong dahil sa presensiya niya.
"Do you like him?" ulit niya. Walang nababakas na kahit na kaunting emosyon sa mga mata niya. Masyado itong malamig.
"A-ano ba..." naguguluhang umiling ako. "H-hindi kita maintindihan,"
Tumingin siya sa ibaba. "My brother,"
Nakaramdam ako ng labis na panlalamig ang katawan ko sa bagay na binanggit niya. Ang bolak na hawak ko ay nabitawan ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.
Wala akong maintindhian sa mga pinagsasabi niya!
"I don't care if you fall in love with someone,"
"W-wala kang p-pakialam?" Nanginginig ang kalamnan ko, o mas lamang sabihin ang buong katawan ko. Ang puso ko naman parang tinutusok ng ilang libong karayom. Take note, iyong mapupurol at napakaraming kalawang. Ang tindi ng sakit at inspeksiyon ang idinulot ng mga sinabi niya sa akin.
"As long it's not him," doon niya lang ako nagawang salubungin. "Not my brother, Meg."
Umalis ako mula sa pagkakaupo nang hindi siya nilulubuyan ng tingin. Para akong sinasakal. Hindi ako makahinga. Hindi makapaniwalang umiling ako. Bakit... bakit... bakit sa lahat ng tao sa iyo ko pa ito maririnig? Brendon bakit?
BINABASA MO ANG
Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and Identities
Teen FictionPAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kwento. -Sypnosis- Pinilit ni Meg Ryan ang sarili na umaktong masaya para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang maskarang kanyang dala...