Chapter 5 The Call

186 15 5
                                    

Chapter 5 The Call


***VEVIEN POV***

"WALA na bang ibibilis 'yan Lorenzo?" kagat ang dulo ng kuko na wika ko.


"Wala na." Tipid na sagot nitong kababata ko na pinaglihi sa sampalok dahil sa ubod nitong kasungitan. He's been like this after we saw Aya. He's not his old self. Hindi gaya noon na kinukulit ako ng bongga. Bweno, wala akong panahon para sa change of behavior niya, higit na mahalaga itong dinaramdam ko.


"Why don't you crash those cars in front of us para naman mas mapadali tayo. You know I'm, in a hurry." I pouted.


"Palit tayo Vevy?" Nakatuon ang tingin niya sa daan.


I rolled my eyes. "Ikaw ang driver ko ngayon. Bakit kailangang makipagpalit ako sayo?"


"Nagmamadali ka di ba?"


"Hoy Lorenzo, kailan ka pa natutong awayin ako!"


He takes a deep breath and simply glance me at the rear view mirror. "Why are you in a hurry?"


Matapos magtama ang aming mga mata parang may kung anong pakiramdam ang pumitik sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.


"B-basta," pilit kong binaliwala iyon.


Marahil epekto lang ito ng ilang araw na pagpupuyat ko. Perwesyo din naman kasi itong si Aya. Kailangan ko pang bantayan. Hindi na kasi nagpapahinga si Tita para bantayan ito. Naturalmismo. Mahigit dalawang taon ding nakawalay ang mag-ina kaya hindi ko ito masisisi. They just miss each other.


Bilang isang mabait na nilalang nitong mundong ibabaw, nagrepresenta ako na bantayan si Aya. Para na rin kay Brendon. But something's went wrong. And I felt guilty at the same time.


Naghihinang tumingin ako sa labas nitong kotse. Sinisi ni Brendon ang sarili sa pagkakaaksidente ng kanyang first love. Ngayong muli itong bumalik, babalik din ba ulit ang matagal nang damdamin na namalagi sa puso ng kapataid ko? O mapapalitan na naman ng panibago dahil sa ikalawang babaeng itinatangi na nang kanyang puso?


If he chooses Aya, then Meg will be in deep pain!


Nayakap ko nang hindi oras ang aking sarili.


It will be my entire fault if that will happen. Masasaktan si Meg. Dahil sa kagustuhan kong hilumin ang puso ni Brendon, ginamit ko si Meg. At heto sila ngayon, nagmamahalan na. Nangangamba lang ako, sa magiging kalalabasan nito.


"Vevien!"


Maang na napasulyap ako sa nilalang na nasa aking harapan. Hawak niya ang magkabila kong pulso na hindi ko napansin sa nasa magkabila kong ulo na pala.


Wow ha, biglang lipat. Nasa braso ko lang 'yon kanina a. Bakit nagkaganoon? Kumilos nang hindi ko namamalayan?

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon