Chapter 4 The wedding
***MEG POV***
"I don't think it's the right idea." Komento ni Sweetmag habang kagat ang kanyang panyo na bulaklakin."But we have to follow the rules." walang mababakas na emosyon sa anyo ni Ashika habang sinasabi ito. Hanggang ngayon ay may kagat pa rin siyang lollipop.
"But... But.."
"We don't have a choice my Adik." Dugtong ni Adik sa nubyo niya na ngayon ay niyayakap niya sa braso.
"But it's not makatarungan!" Pumadyak si Co-founder, saka nandidilat na sinulyapan ang aming kinaroroonan. "Come to think of it, the founder of EDRC and our innocent Adviser will get married? Isa itong kasuka-sukang event!"
"I don't think so, Sweetmag. Para ngang maganda ang kalalabasan nito. It's an insult in our enemies part." Hawak pa rin ni Dessa ang kanyang baseball bat, ang sa hawakang parte. Ang dulo kasi niyon ay nasa lupa. Nakahilig naman ang pang-upo niya sa mesa.
Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kanina pa nagdidikusyon ang mga ka-clanmate ko ukol sa kinasadlakan ko. Hindi nila ako magawang pakawalan. Sa katunayan kanina pa ako dito nakaupo at may katabi ako. Ang kahuli-hulihang tao na sana ay hindi ko na makita ngayon o sa susunod pang araw dahil hindi pa ako sanay sa presensiya niya.
Kung pwede lang sana na tumakbo ako palayo para matapos na itong kalbaryo ko sa buhay ngunit hindi pwede. Sapagkat nakaposas ang isa kong kamay sa magiging asawa ko ngayong araw.
Napatingala ako. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Ang isang parte kasi ng pagkatao ko ay labis na nahihiya. Matapos ang ilang araw ng paghihiwalay naming dalawa, nagtagpong muli ang landas naming dalawa. Oo, naging kami. Dapat nga hindi na ako nagpakita pa sa kanya dahil ako itong yumasak sa kanyang puso.
"At isasama mo si Panget sa pang-iinsulto natin sa EDRC!" Angil ni Sweetmag, na siyang ikinagising ko. "Did you forget that he's Panget's boyfriend!" Itinuro niya ang nananahimik na si Paincorpse.
Humihingi ng paumanhin na tinitigan ko siya. Hindi naman talaga kami ni Roland. Nagawa niya lang ipahayag ito para pagtakpan ang nagawang kapalpakan ni Brendon kamakailan.
Tumango naman si Paincorpse. Hindi inaalis ang mga mata sa akin. Nawala sa kasamahan ko ang paningin ko. Nalipat iyon sa katabi kong lalaki. Kay Brendon, nakatayo na siya at ang isang kamay ay nakapamulsa. Ang mataman niyang mga mata ay nakatoon sa mga kasamahan ko sa clan. Kahit ako ay napatayo na rin para makaagapay sa kanya. Hanggang ngayon kasi ang may posas pa sa kamay naming dalawa.
"Aren't you going to let us out?" May inis akong nahihimigan sa kanyang boses. Hindi na ako magtataka. Batid ko na kahit siya ay hindi maaatim na makasama ako kahit sa maikling sandali lamang. "As you can see, I'm a busy person!"
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang emosyong nagsisimulang bumalot sa puso ko. Pagtitig ko sa mga kasaham ko, naroon ang pag-aalinlangan sa mga mata nila.
"Now what!" iritableng wika ni Brendon. Mukhang kailangan ko siyang tulungan para paghiwalayin kaming dalawa.
"A-ano..." Basag ko sa nakabibinging katahimikan. "P-pwede din naman siguro na huwag niyo na lang ituloy ito." nahihiyang kinamot ko ang pisngi ko.
Ayaw kong mandaya. Wala sa ugali ko ang gumamit ng kapangyarihan at koneksiyon para sa sarili kong kapakanan. Ngunit sa mga sinasabi ko ngayon, tila ba hindi na ako ito. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and Identities
Novela JuvenilPAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kwento. -Sypnosis- Pinilit ni Meg Ryan ang sarili na umaktong masaya para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang maskarang kanyang dala...