Chapter 18 Conflict

151 10 3
                                    

***VEVIEN POV***

"WHAT happened? Bakit ka na-Ospital?" agad kong sabi pagkapasok ko pa lang sa silid na na-e-send sa akin ng kapatid ko kanina. "Ano ang..."

Ang lahat ng gusto kong sabihin nang dahil sa labis na pag-aalala ay napalitan ng kalituhan. Hindi ang kapatid kong si Ward ang nakita kong nakahilata sa kama kundi ibang tao. So Meg iyon.

Nais kong itanong kung ano ang nangyari. Kung bakit naroroon si Meg, dahil sa pagkakaalala ko ay nakikihalubilo ang babaeng ito sa school activity na ginaganap ngayong gabi.

Ayon pa kay Dessa, naka-Belle costume si Meg. Ibig sabihin lamang niyon, dapat yellow ang kulay ng damit. Hindi gaya ng nakikita ko ngayon, puti iyon at may kahabaan ang manggas kagaya ng suot ni princess Feona na isang ogre, sa tuwing nagiging tao ito.

So Dessa gave me the wrong information. Pinahirapan talaga ako ng maton na iyon. Napahiya na ako kanina sa kakahanap tapos narito lang pala ang hinahanap ko.

Humanda ka sa akin bukas Dessa!

Iiling-iling na humakbang ako papalapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Iyong tipong walang ingay. As if naman na hindi ako mahuhuli. Sa lakas ba naman ng boses ko pagkapasok ko pa lang. Pero feel ko lang mag-ala-agent kunu. Baka sakaling makalusot at magulat ko ang kapatid kong ito.

Nang tuluyan na akong makalapit, iniangat ko ang isa kong kamay para tapikin ang balikat ni Ward na ang mga mata ay na kay Meg. Kung saan malapit na itong lumapat saka pa ako natulos sa kinatatayuan ko. Naiwan sa ere ang butihin kong mga kamay. Lalo na nang aksidenteng matuon ang mga mata ko sa kamay ni Meg na hawak-hawak mismo ni Ward.

Ano ang ibig sabihin nito?

"E-Eduard Rain," tawag ko sa buong pangalan ng kapatid ko. Wala sa boses ko ang kalambingan. Nanlalamig ako at hindi mapaniwalaan ang mga nakikita.

Hindi sa nagdududa ako ngunit hindi niya ugali ang makipaghawakan ng kamay at titigan ng may pagsuyo ang kung sino. Lalo pa't babae ito.

Laking pagtataka ko nang hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Doon ako mas lalong kinabahan. Sana mali itong iniisip ko. Hindi pwedeng pati siya ay mahumaling sa babaeng ito.

At isa pa, hindi ko pa naman tiyak kung naghiwalay nga sina Brendon at Meg. Panigurado na sasama ang loob ng nauna. Pag-aawayan nila ito.

"W-Ward?" kabadong tinapik ko ang kanan niyang balikat. "B-Bakit ba hawak mo ang kamay ni Meg?"

Gaya kanina, hindi niya ako sinagot o tinalunan ng tingin. Hanggang ngayon nasa babaeng nasa kanyang harapan ang kanyang antensiyon.

Kalma lang Vevy! Huwag tumalon sa isang konklusyon na hindi nalalaman ang buong katotohanan! Marami ang namamatay sa maling akala!

I want to believe that nothing happened between the two of them, but I can't stop myself from doubting. Ward's heart is vulnerable.

"L-let go of holding her hands." Utos ko sa kanya, na hindi din naman ako pinakinggan. "Ward!"

Hindi ko na kaya ang pagmasdan siya kaya naman kumilos na ako. Ako na mismo ang bumuwag ng kamay nilang dalawa na magkahugpo. Hindi ko inakala na marahas niyang tatabigin ang kamay kong pumipigil sa kanya.

Napaatras ako sa labis na pagkagulat at sakit. Ito ang unang pagkakataon na ginawa niya sa akin ang ganito. Kailanman hindi niya ako sinaktan.

"B-bakit ganyan ka?" Kahit kabado, hindi ko pinahalata na naaapektuhan ako sa kagaspangan ng kanyang pag-uugali.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon