Chapter 26 Hush-hush

66 5 5
                                    

Chapter 26 Hush-hush

***MEG POV***

TAHIMIK kong tinahak ang faculty room para isauli ang damit na isinuot ko nang nakaraang gabi. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at mapakanta kahit na ipinanganak akong sintunado. Masaya ako. Hindi gaya nang nakaraang araw na binabalot ng lungkot ang puso at isipan ko.

Kaming dalawa ni Brendon, bumalik na kami sa dati. Marahan akong umiling. Mali pala. Higit pa doon. Mas naging malambing siya sa akin kesa noon. Buong magdamag akong nakulong sa mga bisig niya.

Kagat ang ibabang labi, sabay bungisngis. Iyan ang lagi kong ginagawa mula pa kanina. Hindi mawaglit sa isipan ko ang kalambingan at pagmamahal na ipinakita niya kagabi. Sino mag-aakala na mangyayari iyon. Matagal kaming nag-iwasan. Ilang araw at gabi akong umiyak at ipinagluksa ang nasawi kong pag-ibig. Sa wakas naging maayos na rin ang lahat.

"Meg! Please help me stop them!"

Bahagya akong natigilan. Muling umukit sa isipan ko ang kaganapan kagabi bago kami nagkaayos ni Brendon. Kung paano nagmakaawa si Vevien sa akin upang awatin ang magkapatid na nagkakasakitan.

"Stay away from Eduard Rain!"

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa dala kong paper bag matapos kong maalala ang katagang binitawan ni Brendon. May kakaibang lungkot ang bumalot sa kaliwang bahagi ng dibdib ko pagkaalala ko sa mukha ng kaibigan kong si Ward na nasaktan kagabi. Dapat ba akong magsaya ngayon? Hindi ko man lang siya napuntahan at nakamusta man lang.

Anong klase akong kaibigan? Hindi ito ang tamang oras para magbunyi ako. Kailangan kong makausap si Ward kahit na alam ko na ikagagalit iyon ni Brendon. Wala namang masama doon hindi ba? Magkaibigan naman kaming dalawa at isa pa, magkapatid sila kaya naman walang mali sa...

"Hi Panget!" anang boses ng isang lalaki.

May nakikita akong dalawang pare ng mga paa sa harapan ko. Hindi nakalutang kundi nasa lupa iyon. Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin. Sinalubong niyon ang nakakalokong mukha ng ka-clanmate ko sa R.D.R.C.

"Deathmetal?" Ikinurap ko ng ilang ulit ang mga mata.

"Hi Panget," Mas lumapad ang pagkakangiti niya.

"Hello," Gumanti din ako ng ngiti sa kanya. Hindi niya ko nilalait, kahit na totoo naman na panget ako. Tinatawag niya lang ako sa codename ko.

"It's odd calling you panget. Hindi ka naman kasi panget. Why you chose that codename by the way?" aniya, hinimas ang sariling baba.

"Kasi hindi ako maganda?" Ngumiti ako ng tabingi.

"Lies," he rolled his eyes. "Nonsense. You're beautiful Miss Alontes."

Mabilis ang ginawa kong pag-iling. "Hindi totoo iyan! Mula pa naman noon alam ko na hindi ako-"

"Sssh!" Mabilis niyang inilapat ang isang daliri sa bibig ko upang tumahimik ako.

"P-Pero..."

"Sssh!" dalawang daliri na ang iniharang niya sa labi ko.

Walang anumang tinanggal ko iyon. "P-pero..."

Marahil naiingayan siya sa akin kaya buong kamay na ginamit niya. "Huwag kang makulit, okay?"

Kinilabutan ako sa paraan na pagtitig niya sa akin. Nandidilim iyon at nanlilisik ang singkit niyang mga mata.

Nakakakita pa kaya siya sa lagay na iyan?

"When I say, ssh! Dapat tahimik na. Gets?" ngumingiti siya ngunit naroroon ang pagbabanta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon