Chapter 22 The Fight
***MEG POV***
LULUGO-LUGONG ibinagsak ko ang katawan sa kama. Pinilit kong makahabol ngunit masyadong mahal ako ng kamalasan dahil nasabon pa rin ako. May bunos pang assignment. Ako na talaga. Hindi ako matalino, may ilang pagkakataon na nakaka-chamba lang ako pero hanggang doon lang iyon.
Sa pagpikit ko, naalala ko ang magandang doctor kanina. Lalo na iyong pagyakap niya. Katulad ng pakiramdam ko sa tuwing yayakapin ako ng mama ko.
May munting ngiti ang kumawala sa gilid ng labi ko. Makikita ko kaya siya ulit? Sana nga! Ang ngiti kong ito ay agad na nawala pagkaalala ko kung paano ako umiyak sa mga bisig niya.
"Hala! Nakakahiya iyon!" tinakpan ko ang mukha nang hindi pa makuntento tinapik-tapik ko iyon. Pero ganoon pa rin, nangangapal pa rin ito. Kung hindi din naman ako ipinanganak na mapurol ang utak. Dapat noong pa lang naisip ko na nasa Ospital na ako at hindi sa langit. Nasabi ko tuloy ang lahat ng hinaing ko sa pag-ibig.
Kinagat ko ang nananahimik na kumot upang panggigilan ito. Ikinakahiya ko na talaga ang sarili ko. Sana huwag niyang isipin na abnoy ako. Inaamin ko na mukhang ganoon nga ako. Imagine, sino ba ang normal na tao ang kumakausap sa mga sarili nila. Hindi lang sarili, may batang babae na naka-all-white ang laging bumibisita sa akin. Kakatwa lamang dahil hindi ako natatakot batang iyon. Isa pa naman akong dakilang duwag pagdating sa multo.
Bumangon na lang ako at nagpalit ng damit. Sunod naglakad-lakad sa may bandang pool. Sobrang linis nito, wala ni katiting na dahon ang lumalangoy.
Umupo ako sa gilid ng pool at matamang napatitig sa malinaw na tubig. Kakatwa lamang dahil agad na pumasok sa isipan ko ang eksena kung saan muntikan na akong malunod dahil sa katangahan ko. Mabilis din namang rumesponde si Brendon ng mga sandaling iyon. Agad niya akong naiahon.
Ipinikit ko ang mga mata para sariwain ang mga nangyari.
Ang tanging nagawa ko noon ay ang umiyak ng umiyak. Hindi dahil sa muntikan kong pagkakalunod kundi dahil sa pakiusap ni Brendon na layuan ko na siya.
On impulse my tears started to fall. Non-stop. Naninikip muli ang dibdib ko.
"Stop crying..."
Naalala ko ang matatamis na salitang sinabi niya sa tagpong iyon. Kung paano niya ako aluhin.
"I won't leave you this time..."
Mapait akong napangiti. Hindi totoo ang mga binitiwan niyang salita. Iniwan niya pa rin ako doon sa ferries wheel. Pinili niyang puntahan ang first love niya.
"I promise..."
Sinungaling ka!
Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilin ang sariling mapalakas ang hikbi ko. Ngunit hindi iyon umepekto. Niyakap ko ang mga binti sabay subsub ng mukha ko sa mga tuhod ko. Doon ko na inilabas ang lahat ng sama ng loob ko.
"I know God has a reason why it happened to you. You're experiencing this because of God's will."
I suddenly remember that angelic Doctor.
"You are going to be fine,"
Nanlamig ako nang may kung anong mainit na bagay ang lumapat sa buhok ko. Tinambol ng husto ang puso ko sa labis na kaba. Sino ang nakakita sa akin?
"Meg,"
Doon ko na nagawang iangat ang mukha ko matapos marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sinalubong ng mga mata ko ang nag-aalala niyang anyo.
BINABASA MO ANG
Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and Identities
Novela JuvenilPAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kwento. -Sypnosis- Pinilit ni Meg Ryan ang sarili na umaktong masaya para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang maskarang kanyang dala...