Chapter 13 Hold

132 21 4
                                    

***MEG POV***

MABILIS ang ginawa kong paghakbang. Halos maduling ang mga mata ko sa dami ng mga taong panay ang lakad, ikot at pakikihalubilo sa mga kapwa nila na may mga suot na kakaibang damit. Hindi ko na kailangang magtaka at palalimin ang lahat. Nandito pa rin ako sa school gym kung saan ginaganap ang huling araw ng selebrasyon ng paaralang pinapasukan ko. Masaya ang lahat, hindi matigil ang ngiti sa kanilang labi maliban na lang sa akin.

Masyado akong kinakabahan sa posibleng mangyari. Kung tama ba ang sitwasyong pinasukan ko.

Muntikan ng lumundog ang puso ko pagkakita sa aking pakay. Ang dahilan ng biglaang transformation kong ito.

Mahigpit kong hinawakan ang notepad. Nagdadalawang isip pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko mapigilan na alalahanin ang pinagmulan ng lahat.


"L-LUMAYO kayo sa akin," kabadong wika ko sa pagitan ng pag-atras. Yakap ko ang sarili. "P-pwede pa naman nating pag-usapan ito,"

"There's no other way, my Cinderella," nakangiting sabi ng fairy godfather ko kuno, habang tinititigan ang mamahalin niyang cellphone.

"P-pero-"

"Uh-huh," aniya, hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

"F-fairy-"

"Ssssh," bigla niyang inilapat ang hintuturo sa kanyang labi. May kabagalan na gumalaw ang kanyang mga mata patungo sa akin . Tinging naaaliw.

"Miss Alonte, sumuko na lang po kayo."

Nahintatakutang nilingon ko ang tatlong babaeng naka-all black, mula ulo hanggang paa. Tuxedo ang nasa itaas, black pants naman ang nasa ibaba at ang sapatos ay ubod ng kinis. Mukha pa nga itong nag-sa-shine. Pwede na silang mapagkamalan na miyembro nang Men in black. Ang ipinagkaiba nga lang, pawang mga babae ang mga ito.

"It's for your own sake Miss," anang babaeng nasa gitna ko. Nakataas ang kanilang mga kamay sa ere. Na tila ba handa akong sakmalin at gawan ng hindi nakatutuwang bagay, sa kahit na anong oras.

Ilang ulit akong umiling bilang pagtutol.

"Miss," wika ng nasa gawing kanan ko. Gumalaw-galaw ang mga daliri nito.

"A-ayoko!" Mas lalo akong napa-atras. Tumayo ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan nang lumapat ang likod ko sa malamig na semento.

"Miss," sabay na wika ng tatlo. Kaunti na lang ang espasyo sa pagitan naming apat.

Naluluhang sinulyapan ko ang lalaking inakala kong tutulong sa akin. Heto siya, nakangiting ikinakaway ang isang kamay na may hawak na cellphone, sa ere.

"Good luck my princess," he mouthed.

"Miss, hindi mo na kailangan pang pumalag. Para sa ikabubuti niyo po ito." Pukaw sa akin ng nasa harapan ko.

"P-pero..." yakap ang sarili na tinapunan ko ulit ng tingin ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhang ito. Ang lalaking inakala ko na siyang magiging Fairy godfather ko. Ang magbabago ng gabi ko kahit sa mabilisan at sandaling panahon lang. Ngunit tila nais kong pagsisihan ang lahat ng ito. Dahil heto sila nais akong gawan ng hindi kanais-nais na bagay.

"Just surrender Miss," napalingon ako sa babaeng nasa gawing kanan ko.

"Just agree with them my princess. Everything will work according to plan." nakangiting wika ni fairy godfather. Prente siyang nakahilig sa pader habang hawak pa rin ang mamahaling cellphone. Wala na sa akin ang kanyang paningin.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon