Chapter 20 Breath
***JARED POV***
"AKO, bawal lumapit, pero siya hindi?" Iiling-iling na wika ko habang nanunudyong tinitigan ang dalawang magsing-irog na ito. Nakaupo si Meg sa armchair, ang huli naman, nakahawak ang isang kamay sa leeg ni Meg, habang ang isa naman ay nakatukod sa pader.
Kung ako ang tatanungin, kung ipinanganak lang akong babae, baka kinilig na ako, kaso hindi, isa akong tunay na lalaki. Sayang nga lang hindi ako ang pinili ni Meg. Pero masaya na rin ako para sa kanilang dalawa.
Akala ko pa naman nag-away sila. They look so stiff after Angelo's birthday party. Isama niyo na rin ang nasaksihan ko nang gabing iyon.
Pasimple kong dinama ang pisngi kong nasuntok ng selosong si Brendon. Napangiwi ako nang lumapat ang daliri ko doon. Darn! It hurts! This is the first time he punch me, for real. The heck with his jealousness. Sarap gantihan ng sipa. Pasalamat siya, bestfriend ang turing ko sa kanya. If not? Lintik lang ang walang ganti.
Nakangiwing sinulyapan ko ang natutulalang si Meg. Until now I can't forget what I saw that night. Kailan pa kaya sila naging close ng kambal nitong kambal ni Brendon? At bakit nagawang magsinungaling ni Meg kay Brendon? Naguguluhan tuloy ako.
Kung naguguluhan man ako sa mga naalala, mas lalo akong naguluhan kay Brendon ngayon. Inilalapit niya ang mukha ni Meg sa kanya.
What's wrong with him? Is he planning to kiss her in front of our classmates? The heck! When did Brendon learn to act like this?
"Brend!" tawag ko sa kaibigan ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa ginagawang paghatak sa leeg ni Meg papalapit sa kanya, na hindi man lang ako nagawang pansinin.
When I look at Meg, I saw how scared she was.
"Brendon Miguel!" I call him again but now with authority. I'm glad that he listens to me this time.
"Let's go Brend!" hinuli ko ang kamay niya at hinila iyon, laking pagtataka ko nang may pwersang pumigil sa akin. Pagtingin ko sa kaibigan ko na mukhang nasapian ng kung anong masamang espiritu, nasa leeg pa rin ni Meg ang isa niyang kamay. Tila ba ayaw niya itong bitawan. Ang tanging nagawa ng babaeng kaharap niya ay manginig nang dahil sa takot.
"Brendon!" wika ko sa mas pinataas na tinig. This time I use all my force and pull my friend away from the girl he loves. Buti na lang hindi siya pumalag. That's a good sign though, hindi na ako mahihirapan pa.
"WHATS wrong with you Brend?!" agad kong sabi nang nasa labas na kami, malayo sa mga kapwa namin kamag-aral.
Brendon didn't say anything. Nakayuko lang siya at tila lumilipad sa kung saan ang ulirat. I tried to read his face but I can't see anything. Kinutuban ako ng hindi maganda.
"Nag-away ba kayo ni Meg?" kalmado ako ngunit naroon ang kaba.
May dumaang kirot sa mga mata ni Brendon. The same pain I saw two years ago before I decided to stay in the Philippines for good.
"The two of you broke up." It's not a question but mere fact. He didn't say anything. He remains quiet as he look at me with his cold eyes.
"Kailan pa Brend?"
Iniwas niya ang blangkong mga mata sa akin at sumulyap sa malayo. Kahit ganito ang ipinapakita niya, alam kong nasasaktan siya. Kagaya nang nangyari noon ngunit mas malala nga lang ngayon. Dati, sa tuwing nagagalit siya, agad siyang naghahanap ng gulo. Nakikipag-away o kaya naman yayayain niya akong gumala para mawala ang sakit na nararamdaman niya, ngunit ngayon ay sobrang laki ng pagkakaiba. Tahimik lang siya at hindi ipinapakita ang vulnerable side niya.
BINABASA MO ANG
Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and Identities
Teen FictionPAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kwento. -Sypnosis- Pinilit ni Meg Ryan ang sarili na umaktong masaya para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang maskarang kanyang dala...