***MEG POV***
SUNOD-SUNOD ang ginawa kong paghinga ng malalim. Hindi ko inakala na hihikain ako ng ganito dahil sa biglaang pagtakbo. Kung tutuusin, hindi naman ako dapat na mapagod. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang naitakbo ko.
Humugot ako ng isang malalim na hininga. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isipan ko ang pagkakabuko sa akin ni Brendon.
Wala sa sariling napahawak ako sa gitnang bahagi ng mga mata ko. Wala na ang suot kong maskara. Nakuha na niya iyon.
Nanghihinang napapikit ako. Ano na lang ang iisipin sa akin ngayon ni Brendon? Magagalit na naman ba siya sa akin?
"I love her,"
Heto na naman ang puso ko. Muling tinambol ng pag kalakas-lakas matapos maalala ang mga sinabi niya kanina. Hanggang ngayon daw ay mahal pa rin niya ako.
"It's funny isn't it? I'm missing the girl who left me because I came late. Nasaan ang katarungan doon?"
Dapat ba akong maniwala? Iisa lang ang mukha namin ng first love niya. Hindi niya ako magugustuhan kung hindi kami magkamukha.
Sa pagkakataong ito, tumigil sa pagtibok ng aking puso. Nakaramdam ako ng labis na panlalamig ng katawan. Ang mga mata ko ay biglang uminit.
"I miss her,"
Kung ipinaglaban ko ang nararamdaman ko sa iyo ng araw na iyon, may magbabago ba? Hindi ka ba mahihirapang pumili sa aming tatlo?
"I love her,"
Ako, na sobrang mahirap. Walang magandang nagawa sa buhay. Hindi pinagkalooban ng katiting na katalinuhan. Magagawa mo ba akong piliin? Laban sa fiancé mo mula pagkabata at ang first love mo na akala mong matagal ng patay?
"I love her,"
Lihim na nagluluksa ang puso ko. Kahit na ilang ulit na umukilkil sa isip ko ang mga sinabi niya na mahal at miss na niya ako. Ang isang bahagi ng pagkatao ko na isa akong talunan. Dahil alam ko, na hindi sa lahat ng pagkakataon magwawagi ang pag-ibig ko sa kanya lalo pa ngayon na mas naging kumplikado ang lahat.
I'm sorry Brendon!
"I'm sorry,"
"Sorry?" Naikurap ko ng ilang ulit ang mga mata ko. Na mali lang ba ako ng dinig? O talagang may nagsalitang ibang tao? Hindi naman boses iyon ni Brendon o akin.
"I'm so, sorry." ramdam ko ang pagluwag ng kung sino mula sa pagkakahawak sa isang kong kamay.
Tama, bakit ko nga ba nakalimutan? Nakaalis ako sa tamang oras bago ako makita ni Brendon. May kung sino ang humila sa akin bago namatay ang ilaw sa buong paligid.
Unti-unti kong inangat ang aking paningin at hinanap ang may-ari ng boses. Sinalubong niyon ang likod ng lalaking ito. Hindi siya nakasuot ng kahit na anong damit na pang-costume. Hindi mo rin masasabing simple iyon.
Kahit hindi ko man makita sa ngayon mukha niya, alam ko kung sino ang taong ito. Kagaya ng dati. Tulad ng mga sandaling nalaman ko ang buong katotohanan, andoon siya at tinutulungan ako.
"Ward," mahinang tawag ko sa palayaw niya.
"I'm sorry," ulit niya.
"B-bakit ka nag-so-sorry?" takang tanong ko sa kanya, habang pilit na inaayos ang pagkakatayo ko. Kung ako ang tatanungin, wala akong dapat na ikasama ng loob. Nasa tamang oras siya para kunin ako sa nakakahiyang sitwasyon kanina.
"I ruined everything," bagsak ang mga balikat na humarap siya sa akin. Wala akong makita kundi kalungkutan sa anyo niya.
"M-may problema ba?" sa halip ay tanong ko sa kanya. Ito ang pangalawang pagkakataon na makita ko siya, na ganito kalungkot. Gaya noong mga panahong durog na durog ako sa napakapait na katotohanan. Na ang lalaking minamahal ko ay nagsinungaling sa akin. Na nakalaan na pala ito sa iba.
BINABASA MO ANG
Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and Identities
Teen FictionPAALALA: BASAHIN MUNA ANG SEASON 1 at SEASON 2 BAGO ITO. Sapagkat hindi ninyo maiintindihan ang kabuuan ng kwento. -Sypnosis- Pinilit ni Meg Ryan ang sarili na umaktong masaya para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ngunit ang maskarang kanyang dala...