Chapter 24 Nightmares

71 4 3
                                    

Chapter 24 Nightmares 

***MEG POV***

UMAAPOY na sasakyan, iyan ang nakikita sa gitna ng daan. Ang paninikip sa dibdib ko ay ayaw mawala habang pinagmamasdan ang babae sa loob na tinutupok ng apoy.

Inihakbang ko ang isang paa para tulungan siya ngunit maagap na hinila ng batang gumagambala sa aking panaginip ang kamay ko.

"Hindi ka ba naaawa sa kanya?"

Luhaang nilingon ko ang batang babae na nakatuon sa naglalagablab na sasakyan ang mga mata. Kailangan pa bang itanong ang bagay na iyan?

"N-Naawa ako sa kanya," nanginginig na niyakap ko ang sarili gamit ang isa kong kamay.

"Hindi mo siya tutulungan?"

"G-gusto ko-"

"Kung ganoon gumising ka na," aniya, sa akin nakatingin ang malulungkot niyang mga mata.

Nananaginip na naman ba ako?

"Bumalik ka na sa dati,"

Pinanlamigan ako sa katagang lumabas sa labi niya. Pati na rin sa nagmamakaawa niyang mga mata.

"Bumalik na tayo," pagpatuloy niya.

Mabagal na sinulyapan kong muli ang gitna ng daan. Wala na ang apoy. Wala na kami sa kagubatan, sa halip napunta na naman kami sa napakalaking bahay. Hindi ko alam kung paano naging itim ang buong paligid at nagkaroon ng isang pintuan. Nag-iisa lamang ito.

"Tara na," hawak ng batang babae ang kamay ko, hinila niya ako papunta sa pinto.

Tila nahihipnotismo namang hinawakan ko ang siradura. Kung saan akmang bubuksan ko na iyon saka pa may humila sa isa ko pang kamay. Pagtingin ko, ang puso kong nababalot ng kalungkutan ay napalitan ng kasiyahan. Si Brendon iyon.

"Meg, I love you. Don't go back." He begs.

Iyong tipong may nagligtas sa akin na makawala sa pagyakap ko sa alaalang dapat ko ng ibaon sa limot.

Brendon!

Binalak kong lumapit sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng batang babae sa kamay ko.

"Kailangan na nating bumalik!" giit ng bata.

Umiling naman ako, tila ba nauunawaan ko kung ano ang itinutumbok ng batang ito. "May pumalit na sa atin. Hayaan mo na siya."

"Ayoko!" mabilis ang ginawang pag-iling ng bata. Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha sa magkabila niyang mata. "Masama siya! Masama siya!"

"Patawad," kahit naaawa man pilit kong hinila ang kamay mula sa kanya. Ngunit mas lalo lamang niya itong hinila. Sa katunayan niyakap niya ang braso ko.

Panay ang kanyang pag-iyak. Hindi siya tumigil sa pagmamakaawa sa akin. Sa pagpigil.

Binalot ng kaba at takot ang puso ko nang mapalitan ng dugo ang luha ng bata. Walang tigil sa pagkalat ng dugo sa damit niya hanggang sa umabot iyon sa sahig.

Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, muling dumilim ang paligid. Nawala na ang batang babae. Ang natitira na lamang ay ang dugong nagkalat sa sahig.

Mabagal kong inangat ang mga palad nang maramdaman ko ang pagkabasa nito. Nagimbal ako sa dugo na kumapit doon. May sugat din akong nakikita. Pagsulyap ko sa sarili ko, hindi na gaya ng dati ang suot kong damit. Nakasuot ako ng bestida na kulay puti. Hindi iyon umabot sa mga tuhod ko. Punit ang ibang parte nito dahil para lumantad ng pahagya ang kulay puti kong shorts. Maang na napasulyap ako sa harapan ko. May nakikita akong salamin. Isang napakalaking salamin. Kita ako ang replica ko doon. Ang ipinagtataka ko lang, mahaba ang buhok ko at medyo kulot. Batid ko binabalot ng takot ang mukha ko ngunit taliwas ang nakikita ko dito. Nakangiti ako doon.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon