Chapter 1
“Darating ka ba sa kasal ko?” tanong ni Andrei sa kausap niya sa likod ng telephono niya. May pag-aalala sa tono ng boses niya. Nanginginig pa ang kamay nito habang tinitignan ang pintuan ng kanyang kwarto. Baka kasi may makarinig sa kanyang ibang tao. Hanggang sa may kumatok sa likuran ng pintuan nito at kaagad na niyang pinatay ang tawag sa isang importanteng tao sa kanyang buhay.
“Babe sino yang kausap mo?” pagtataka ni Marissa. Ang babaeng kanyang pakakasalan sa araw na ito.
Umiling lang si Andrei. Saka muling tinignan ang kanyang hawak-hawak pang telephono at saka sinabe sa sarili na… “Sana dumating ka. Kapag dumating ka, ibig sabihin mahal mo parin talaga ako.”
∞ ∞ ∞
Tahimik na nagdarasal si Andrei sa simbahan. Ang simbahan na siyang laging nitong pinupuntahan. Hindi niya maintindihan sa dami-rami ng simbahan na kanyang napuntahan na, may kung anong enerhiya ang siyang nagdadala sa kanya sa simbahang ito sa may pasay.
Hanggang sa may pumukaw sa atensyon ng binata. Sino ba naman kasi ang hindi makakaagaw ng pansin, kung makaiyak ang lalakeng nasa kanyang likuran ay halos iisipin mong namatayan na ito, pero noong marinig nito ang mga bagay na iniiyakan ng lalake ay siya nitong kinagulat.
“Lord. Bakit ngayon pa? bakit ngayon pa po? Kaarawan ko ngayon, bakit kailangan kong maranasan ito ngayon lord?” patuloy parin sa pag-iyak ang lalake sa kanyang likuran. Ang nasa isip ngayon ni Andrei ay kawawa naman yung lalake. Siguro mabigat talaga ang dinadala nitong problema, kaya nagawa na nitong kausapin ang panginoon sa mga oras na ito.
“Marami naman araw lord. Pero bakit ngayon pa? pwede namang next week, next month, o next year. Bakit ngayon pa lord?” humagulgol na ang lalake. At nakakakuha na ito ng atensyon sa mga katabi niyang nagdarasal. Pinagtitinginan na siya nito. Hindi maiwasang matawa ni Andrei sa pagkaka-oa ng lalake sa mga pinagsasabi nito.
“Birthday ko ngayon lord. Bakit ngayon pa?” paulit-ulit pa niyang sinasabe sa sarili nito.
Hanggang sa nakapagdesisyon na si Andrei na lapitan ang lalake at bigyan ng kapirasong Advice, malay nito. Baka kailangan lang nito ng isang taong makakausap, para kahit papaano ay mawala yung sakit na nararamdaman niya sa problemang nararanasan niya. Isang taong pwedeng makaintindi sa kanya. At pilit ng binata na iintindihan ang estranghero binata.
Umupo ito sa tabi ng binatang kanina pa umiiyak at mukhang naubusan na ata ng tubig sa katawan sa dami na ng luhang iniiyak nito. Inabutan niya ito ng panyo na siyang kinuha niya sa kanyang bulsa ng pantalon at inabot na nga niya ito sa lalakeng nakatingin na ngayon sa kanya. Ang ganda ng mga mata nito. Kahit na basang-basa ay kitang kita ang kagandahan ng kulay brown na kulay ng mata nito. Kinisot pa nito ang kanyang mata gamit ang panyong inabot ng binata sa kanya. Sana binigyan siya nito ng kakaibang ngiti. Bumulong naman si Andrei at sabing…
“Dre, pwede hina-hinaan mo ang boses mo. Wala ka sa kwarto mo, para magwala dito. Nasa simbahan ka. Ipinapaalala ko sa iyo” saka ngumiti si Andrei sa lalakeng nasa harapan niya ngayon. Tumingin ang lalake sa kanyang paligid. Doon niya lang narealize na nasa isang tahimik at sagradong lugar nga pala siya ngayon. Lugar na kung saan marami din ang humihiling sa panginoon, pero siya? Anong ginagawa niya? Nagrereklamo lang siya. Puros mga reklamo lang ang naririnig ng mga tao sa kanya. Kesyo bakit ngayon pa. bakit ngayong kaarawan pa niya. At bakit lord…oh diyos ko.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE YEARS (Revised Edition)
RomanceHanggang saan aabot ang inyong pagmamahalan, kung ang tingin naman ng iba dito ay isa lamang malaking Kalokohan? #Through The Years