CHAPTER 15

1K 15 4
                                    

Chapter 15

                Kinabukasan sa loob ng office ni Jake, may hindi inaasahang bisita itong dumating. Halos lumuwa ang mga nito noong pagbukas ng kanyang office ay ang bumungad sa kanya ay ang bestfriend nitong si Rissa. Kaagad siyang sinalubong nito ng isang mahigpit na yakap.  Saka hinalikan sa pisngi, ibinaba ni Jake ang gamit nito sa table niya at hinila ang upuan at umupo sa harapan ni Rissa. Humingi ng tawad si Rissa sa mga nangyari noon sa kanyang kaarawan. Hinawakan nito ang kamay ng kaibigan at bahagyang ngumiti. Sinabe nito na okay lang ang lahat, na naiintindihan niya ang mga nangyari, na may kasalanan din siya sa mga nangyari.

                “Mukhang hindi ka naman excited na Makita ako.” Tampo pa nitong si Rissa sa kaibigan. Magsasalita na sana siya para ipagtanggol ang sarili niya ngunit may biglang sumingit sa pag-uusap nilang dalawa.

                “Mukhang hindi nga,” sagot nitong si Lea, tinaasan siya ng kilay ni Rissa.

                “Good morning, Jake here’s the document na kailangan mo.” Sabi pa nito saka bigla nalang ulit umalis.

                “Who’s that girl?” inis pa nitong reklamo sa harapan ni Jake. Naiinis na rin siya sa kaartehan ng kaibigan niyang ito. Hindi naman siya ganito noon, pero parang mas lumala na ata ang sakit nito sa ulo. Naloloka na siya.

                “Wag mo na siyang intindihin, sorry ah? Busy kasi ako ngayon. Hindi kita maeentertain ng matagal may inaasikaso kasi akong important na deal.” Pagsisinungaling pa nito. Kaagad nang tumayo si Rissa at muling humalik sa pisngi ng binata at tuluyan nang umalis sa loob ng opisina nito. Nakahinga na siya ng malalim. Hindi, pa siya ready na harapin ang kaibigan. Sa mga nangyayari at lalong lalo na sa nangyari noong isang araw. Yung nangyari sa kanila ni Andrei, parang naaawa siya sa kaibigan niya. Niloloko nila ito, pero ayaw naman niyang lokohin ang tunay na nararamdaman niya para sa lalakeng iyon. Mahal na rin kasi niya yun. Mahal na niya si Andrei.

                Kaya imbis na isipin nang husto ang mga nakaka-stress na nangyari noong nakaraang araw. Kailangan niya munang mag-focus sa trabaho para kahit papaano makalimutan niya ang realidad ng buhay. Na sobrang napaka-unfair.

∞ ∞ ∞

                Pagkatapos ng araw na iyon ay nag-yaya si Lea na lumabas sila para naman raw mawala yung stress nito sa mga nangyayari sa buhay nito. Pero hindi pumayag si Jake at sinabe nitong wala siya sa mood para mag-saya kasi wala naman raw dapat ipag-saya. Kinotongan siya ni Lea at nagulat siya sa inasal ng kaibigan. Napakamot siya sa uluhan niya dahil sa nasaktan ito sa ginawa nga ni Lea sa kanya.

                “Bakit mo ginawa yun?” reklamo pa nito sa kaibigan. Tinaasan siya ng kilay nito saka, sabing…

                “Ang dami mong arte, hindi ka babae ah? Kaya wag kang umarte nang ganyan. Sasama ka ba o hihilian kita diyan at hindi mo magugustuhan kung paano ko gagawin yun Jake.” Banta pa nito sa kaibigan. Mukhang sinapian na naman ng kung ano anito itong si Lea at sobrang natakot siya rito. Kaya, wala din siyang nagawa at sumama narin siya dito.

∞ ∞ ∞

                Sa isang sosyal na Bar sa may Cubao.

                Tahimik lang si Andrei habang pinagmamasdan ang patay sindi ng ilaw ng loob ng bar na iyon. Katabi niya ngayon ang kanyang kasintahan na si Rissa, kanina pa nagsasalita ito ngunit parang wala man lang naririnig itong si Andrei. O sadyang wala lang siya sa mood na kausapin itong si Rissa. “Babe… bakit parang ang lamig-lamig mo sa akin this past few days?” biglang seryosong tanong ni Rissa sa kanyang kasintahan, malungkot ang mukha nito. At nakapout ang nguso nito pagkatapos niyang sabihin ito sa kasintahan niya na seryoso parin na nakatitig sa mga taong nag-iinuman sa loob ng bar na iyon.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon