CHAPTER 7

1.3K 18 0
                                    

Chapter 7

                Muli silang natahimik, kinain ang mga tapang na salita na kanina lang ay agresibong nagpapalitan ng mga hindi makabasag na salita sa bawat isa. Kahit sino naman sa kanilang dalawa, walang panalo. Kahit na anong gawin nilang dalawa. Hindi parin masasagot ng isang gulo o away ang isang bagay na kasing kumplikado nito.

                Hanggang sa Makita nila ang sarili nilang dalawa na nakangiti, habang pinagmamasdan ang isa’t-isa.

                “Tanong nga. Bakit hindi mo ako magustuhan?” si Andrei na mainilapit ang sarili nito kay Jake. It’s awkward! He usually say this things in many girls he wanted to be with. Pero ang weird lang kasi, sinasabe niya ito sa isang lalakeng nasa harapan niya.

                “Ano ba namang tanong yan.” Pagmamaktol pa ni Jake sabay iniwasang muling magtama ang kanilang mga mata. Hindi na kasi nito alam kung anong gagawin kung muling magtatama ang mga mata nila. Nakakahalina kasi ang mga mata ni Andrei, at kung tumitig ito para bang may gustong sabihin ang bawat pagpilantik ng kanyang pilik-mata.

                Hinawakan ni Andrei sa balikat ang kausap, saka ipinaharap nito ito sa kanyang harapan. Ang kaninag sinabe niya sa sarili na ayaw niyang muling matitigan ang mga mata nang binata, ay biglang nabali. Dahil ngayon? Nakatitig siya, at parang may magnet na sa kanilang dalawa ay nag-nanais na magdugtong. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa.

                Humugot ng hininga si Jake, bago nito sagutin ang tanong ng binata sa kanya, kahit na nanginginig ang buong katawan dahil sa intense na nararamdaman, ay pilit nitong pinipigilan. Ayaw niyang gumawa ng isang bagay na maari niyang pagsisihan sa huli.

                Pero noong magsasalita na sana siya, ay sumabat naman kaagad itong si Andrei.

                “Sagutin mo na please! Para malaman ko, kung kailan ko ihihinto itong kahibangan kong ito.” Giit pa nito sa tono na galit na boses. By this time naging seryoso ulit sila.

                “Please don’t say you loved me.” Pagmamakaawa pa ni Jake kay Andrei. Hindi naman mawari ni Andrei kung bakit ito nagmamakaawa siyang wag mahalin. Gayong alam naman nito na may nararamdaman narin naman din ang binata sa kanya.

                Tumayo na si Jake at aktong aalis noong niyakap siya nang mahigpit ni Andrei habang narinig na humikbi ito. Ramdam ni Jake ang biglaaang pagbasa nang kanyang likuran. Marahil ay tumulo na ang mga luha sa mga mata ni Andrei. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi rin maluha sa ganoong eksena. Mababaw lang ang luha ng binata. Minsan ngang nanonood sila ng drama rama sa hapon sa isang telebisyon ay bigla nalang kaagad itong umiyak, noong wala pa gaaanong nangyayari. Ganoon siya kabilis umiyak, ngayon pa kaya na alam nito na masyadong mabigat ang nagaganap sa kanilang dalawa ni Andrei.

                “Let’s stop this Andrei,” giit pa ni Jake.

                “Wait lang… jake,” si jake na nakikipaglaban sa lakas ni Andrei na tanggaling ang kamay nito sa kanyang dibdib. Masyadong mahigpit ang pagyakap ng binata sa kanya, dahilan para hindi nito kaagad natanggal ang pagkapit nito sa kanya.

                “If you trying to insist this, wala na akong magagawa. Pero, please leave me alone? Dahil ayaw ko nga. Naiintidahan mo ba yun?”

                “Ayaw ko na ulit , umiyak.”

                “Pagod na pagod na akong masaktan,”

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon