Chapter 9
Isang malungkot na hapon, nakatingala ang ulo ni Andrei habang tinitignan ang walang pinagbagong kulay beige na ceiling nito. Halos mag-lalabing isang oras na siyang nasa loob ng kwarto niya ni hindi siya kumain ng umagahan at higit sa lahat hindi parin siya naliligo magpahanggang ngayon.
Mag-aala-singko na nang hapon, at nakatingala parin ang ulo niya. Walang kabuhay-buhay. At kasabay ng pagkahayahay niya sa loob ng kwarto ang kanina pang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata, na kung saan nakisabay naman ang kalikasan sa kadramahan niya ng araw na iyon.
Ano bang nangyayari talaga sa kanya? Bakit ba ganito ang ginagawa niya sa sarili niya? Halos labing isang oras na niya tinatanong ito sa sarili pero magpahanggang ngayon ay hindi parin niya nasasagot ang mga tanong na iyon. Alam niya sa sarili niya na tunay siyang lalake. At kahit kailan, hindi pa siya naattract sa kahit sinong mga lalake. May mga kaibigan siyang higit na mas gwapo, macho at matalino kesa kay Jake, pero sa tuwing nakikita nito ang kakaibang ngiti na ibinibigay nito sa kanya. Doon na siya bumibigay. Doon na bumibigay ang puso niya. Doon na hindi nagfufunction nang maayos yung utak niya. Doon na huminto ang puso niya sa natural na tibok nito. Doon na siya pinagpapawisan ng hindi maintindiha. Maraming mga bagay na unusual na nangyayari sa kanya sa tuwing nakikita niya si Jake.
Kahit yung tiyan niya, may kung anong mga insekto ang nagwawala dito. Ano ba talaga nangayayari sa iyo?
Napatingin siya sa isang sulok. Doon na niya ibinaba ang tingin galing sa ceiling nito. Isang litrato iyon nilang magkasintahan. Si Rissa. Na nasa ibang bansa sa mga oras na ito. Nakangiti nang maluwang si Rissa noon habang nakaabay si Andrei sa kanya na nakangisi. That was their first meet noong college pa sila, nagkakilala ang dalawa sa isang bar na kung saan lagi namang nag-pupunta doon si Rissa same with Andrei. Hindi inaasahan ni Andrei na yung circle of friends nito ay friends din pala ng dalaga. Inasar sila ni Claire na bagay raw silang dalawa. At dinugtungan naman ito ni Erol na siyang kaibigan naman ni Andrei, kaya napaakbay ang binata dito. And the rest is history.
Patuloy parin ang pagtulo ng luha sa mga pagod na pagod nang mata ni Andrei. Ang awkward kung may ibang makakakita sa kanya sa ganitong imahe niya. Ang gwapo-gwapo niya, ang astig at ang macho niya. Higit sa lahat ang yaman-yaman niya pero bakit umiiyak siya? Bakit halos isang araw na siyang walang pagod sa pag-iyak?
Muli siyang napalingon sa cellphone na nasa kanyang uluhan. Wala parin itong ilaw. Sensyales na walang ni isa sa mga kaibigan niya ang nakaisip na itext o tawagan man lang siya. Kanina pa niya gustong-gustong tawagan si Jake. Kanina pa siya nag-hahangad na muling marinig ang tinig nang binata ngunit, kahit na anong gawin niya. Hindi niya magawa ito dahil sa baka hindi siya sagutin nito.
Hanggang sa bigla nalang itong umilaw at tumunog. Doon nalang ulit nagkaroon ng ingay ang kwartong iyon. Kung ikaw itong nakatira sa loob ng bahay na iyon. Hindi mo aakalain na may tao palang nagkukulong sa loob ngkwartong iyon, dahil kahit yung paghikbi ni Andrei, ay sobrang mahina. Ayaw niyang marinig siya nang mga taong nakatira din doon na umiiyak siya. At lalong lalo na ayaw niyang malaman ng kanyang mahal na ina na may malaki itong pinoproblema.
May tumatawag sa kanya ngayon. Isang unregistered number sa kanyang telephono. Kinuha niya ito, nagbabakasali na si Jake itong tumatawag. Nakigamit nang ibang cellphone para kausapin siya. Excited siyang marinig muli ang boses nang binata at pinindot na nga nito ang accept call. Nang biglang… kumunot ang noo nito noong marinig na hindi tinig ng binata ang lumabas sa kanyang telepono kundi nang isang babae.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE YEARS (Revised Edition)
RomansaHanggang saan aabot ang inyong pagmamahalan, kung ang tingin naman ng iba dito ay isa lamang malaking Kalokohan? #Through The Years