CHAPTER 5

1.6K 21 4
                                    

Chapter 5

                “Mukha mo.”  Asar pang sabi ni Jake kay Andrei noong sinabe nito na mukha silang tanga kanina sa baba. Parang isang shooting ang nangyari kanina. Sobrang heavy raw ng aktingan ng dalawa. Pang Gandingan Awards nga raw dagdag pa ni Andrei.  Hanggang sa lumapit ang katrabaho ni Jake na si Lea. At halos matumba ito sa kinatatayuan niya noong pumasok siya sa loob ng opisina nang kaibigan at Makita na nagkukulitan silang dalawa ng isang lalake na ngayon palang niya nakita.

                “Ang gwapo.” Bulong pa nito sa sarili nito.

                “Hoy? Anong kailangan mo?” inis na tanong ni Jake kay Lea. Kung pagkain lang kasi si Andrei sigurado itong ubos na itong kaibigan niya. Grabe kung makatitig sa bisita niya.

                “Pwede bang maki-kain?” tanong ni Lea kay Jake pero nakatitig it okay Andrei.

                “Sure!” pagpayag pa ng binata sa kausap niyang dalaga.

                “Ikaw… ikaw ang gusto kong kainin.” Nakatanggap tuloy ng isang malakas na batok si Lea kay Jake sa kalandian nito.

                “Aray!” reklamo pa ng dalaga. Medyo masakit kasi yung ginawang pagbatok nito sa kanya.

                “Ang landi mo. Ano ba kasing kailangan mo?”

                “Ang hard mo. Kainis ka? Ipapasa ko lang naman itong mga report sa iyo leche ka talaga. Hmmp.” Reklamo pa ng dalaga, medyo nainis sa inasal ni Jake sa kanya. Bigla tuloy siyang nahiya sa bisita nito.

                “Si Lea pala, and Lea si Andrei.”  Pagpapakilala pa ni Jake sa kaibigan sa kanyang bisita.

                “Ah? Ang swerte mo talaga bakla sa mga lalake. Parang minsan gugustuhin ko narin maging isang bading. Para makajetlak naman akes ng mga ganitong kagwapong lalake.” Gay lingo pang sabi ni Lea, kumunot naman ang noo ni Andrei dahil sa mga narinig sa kaibigan ni Jake.

                “Gusto mo bugbugin kita? Umalis ka na nga. May kailangan ka pa ba?” natutuwa naman si Andrei sa kaibigan nitong si Jake. Halatang Masaya ang workplace niya. Ganoon din sa bahay nila. Kaya nga nagtataka ito noong Makita niya ito sa simbahan at sobrang lungkot. Siguro masyado talaga siyang nasaktan sa panloloko sa kanya ni Nick. Ang Ex-boyfriend niya.

                Umalis na si Lea na nakakuha pa ng isang halik sa pisngi ni Andrei. Kaagad na humingi ng tawad si Jake sa ginawang pambabastos ng kanyang kaibigan sa kanya. Pero nagkibit balikat lang itong si Andrei. Dahil natutuwa din naman siya sa mga ganoong klaseng tao. Yung masiyahin.

                “Now, tell me your story.” Tanong pa Andrei kay Jake. Nagulat naman si Jake sa sinabe ni Andrei sa kanya. Ano ba kasi yung gusto nitong ipunto?

                “What?” gulat na sabi nito sa kausap.

                “I said. Ano ang kwento mo. Anong kwento ni Jake Marion Valero?” ngumiti si Andrei kay Jake.

                “Narinig mo na ang kwento ng buhay ko, niloko lang ako ng isang lalake na buong akala ko ay mamahalin ako forever. Tsk! Napaka-tanga ko talaga, nahihiya ako sa sarili ko. Naaawa ako sa sarili ko, siguro ng nakamove-on na ako dahil sa mga nangyari. Kasi natatawa na ako sa mga nakaraan.” Pakunwari pang natatawa si Jake, pero ramdaman naman ng kanyang kausap na hindi ito ang totoong tunay na nararamdaman nito. May bitter parin sa kanyang puso, at walang taong naka-pagmove on ng isa o dalawang lingo lamang. Minsan ang pag-momove on ay umaabot ng taon. May iba pa nga na dahil sa sobrang tagal na hindi makapag-move on, nagiging galit at napupunta sa puot to the point na nakakagawa na ito ng kasalanan. Hindi man sa kanyang sarili kundi sa ibang tao o maski sa sarili nitong pamilya.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon