CHAPTER 12

1.4K 14 2
                                    

Chapter 12

                Mahal kita, pero hindi pu-puwede.

                Mahal kita, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

                Parang nagi-guilty ako sa nangyayari?

                Dapat ko pa bang ipagpatuloy ito?

                Gayong alam ko naman na sa huli ako ang pinaka-talo.

               

                Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ni Jake pagkatapos niyang sabihin iyon sa kanyang isip. Nasa loob siya ng kwarto nito at iniisip kung pupunta ba siya sa kaarawang ng bestfriend niyang si Rissa gayong alam nito na muli na naman silang magkikita ni Andrei.

∞ ∞ ∞

                “Yaaaaaaaaahoooooooo! Sa wakas nandito na tayo.” Inunat-unat pa ni Diego ang katawan nito habang pababa sa may Yate na pagmamay-ari ng pamilya ni Andrei. Nasaan ba sila? Nasa private island lang naman sila ng Binata. Dito kasi napiling ganapan ni Rissa ang birthday Party niya kasama ang mga kaibigan niya.

                “Ang ingay-ingay mo talaga kahit kailan. Sa sobrang ingay mo, muntik nang mabulabog yung mga bubugyog oh!” reklamo pa ni Mira sabay turo sa isang bahay ng bubuyog sa isang puno malapit na sa resthouse na siyang titirahan nila sa dalawang araw.

                “Alam niyo, bagay kayo.” Biro pa ni Erol sa kapatid niya at kay Mira.

                “Tsk! Alam kong cute si Diego, pero sorry ah? No offensement. Hindi kasi ang katulad niya ang tipo ko.” Sabay tumingin ito sa direksyon ni Jake na pababa pa lang ng yate.

                “So ganyang pala ang tipo mong lalake, yung tahimik. Yung hindi makabasag pinggan?” asar pa ni Diego saka pumasok na sa loob ng resthouse.

                Apat lang kasi ang kwarto sa resthouse na iyon. Kaya kailangan nilang maghati-hati para sa kwarto. Kaya nakapagdesisyon si Rissa na ipagsama nito sa kwarto si Diego at Jake na siyang kinagulat naman ng binata. Pero mas okay na ito kesa sa si Andrei o yung babaeng kanina pa gustong –gustong yumakap sa kanya na si Mira. Baka kasi kung ano pang magawa nito dito.

                “Mag-iingat ka sa asong ‘yan ah? Baka kasi kagatin ka niyan eh.” Bulong pa ni Mira kay Jake napangiti naman sa kakulitan ng dalawang ito sa kanya. Saka pumasok na sa loob ng kwarto si Jake at nagulat ito noong bigla nalang sumunod si Diego at kaagad humiga sa kama. Napatingin siya dito, naka-sando lang kasi ang binata at kitang-kita ang biceps nito na naghuhumindig, saka ngumiti ng nakakaloko itong si Diego kaya kaagad nalang niyang winaglit iyon at saka niya ibinaba ang kanyang mga gamit sa harapan ng isang maliit na cabinet. At binuksan ito inilagay ng maayos ang kanyang kakaunting mga damit na siyang gagamitin para sa dalawang araw na pamamalagi sa private resort ito ng pamilya ni Andrei.

                “Hi Mr. Pogi bati pa ni Diego kay Jake habang nakahilata ito sa kama nilang dalawa.” Napalingon si Jake sa kanya at ganoon parin ang binata sa pwesto niya. Nakatanday ang dalawa nitong kamay sa kanyang ulo at nandoon parin yung nakakalokong ngiti nito. Nagkibit balikat nalang si Jake sa inaasal ng kanyang kasama sa kwartong iyon at nagpatuloy sa pag-ayos ng gamit nito.

                “Bakit ang seryoso mo naman?” tanong nito, ang buong akala ni Jake ay nakahiga parin itong si Diego hindi pala, nasa likuran na pala niya ito halos magdikit na ang mukha nilang dalawa sa sobrang lapit ni Diego sa kanya. Ni hindi man lang nito naramdaman ang presensya ng binata noong tumayo ito sa higaan nila at lumapit sa kanya.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon