CHAPTER 13

1.1K 15 3
                                    

Chapter 13

                Pagkatapos noon, ay kaagad na silang bumalik sa loob. Nakahanda na ang pagkain nila, halos magsisimula na ang lahat. Nagulat ang lahat noong sabay silang pumasok dalawa sa dinning area. Ngumisi lang si Diego, gaya ng lagi niyang ginagawa sa tuwing nakikita nito si Jake. Kaagad na tumabi ito kay Diego, kasi yun nalang ang puwesto na libre kasi katabi ni Rissa si Andrei. Back to reality sila, kunwari hindi magkakilala. Pero… noong tinanong ni Rissa at inusisa kung saan sila galing ay doon na nagsalita si Andrei para pagtakpan ang ginawa nila ni Jake.

                “Anong ginawa niyong dalawa at bakit ang tagal niyong nawala ah?” pag-uusisa pa nga ni Rissa sa dalawa. Hindi makatingin ng maayos si Jake, kaagad  siyang pinagpawisan kahit na malamig naman sa loob ng kwartong iyon. Napatingin siya kay Andrei na para bang sinabe sabi nito sa kanyang tingin na, gumawa ka ng paraan. Hanggang sa nagsalita na nga si Andrei.

                “Kinilala ko lang itong bestfriend mo. Masyado ka namang nag-aalala sa kanya. Wala akong ginawang masama sa kanya, sa totoo lang nagbonding lang kami kanina, kaso napatagal nga lang at napasarap ang bonding naming dalawa.” Saka ngumisi itong si Andrei dahilan para magtaka ang mga tao sa loob ng hapagkainan na iyon.

                Kakaibang titig naman ang ibinibigay ni Mira kay Jake at ganun din si Diego rito.  Grabe kasi yung titig ni Mira sa katawan ni Jake. Na kahit na naka-sout ito ng T-shirt eh parang nakikita nito ang kagandahan ng hubog ng katawang ng binata.

                “Parang gusto ko ng Hotdog.” Giit pa nito.

                “Hotdog?” tanong pa ni Claire kay Mira saka napatingin sa kung saan ito nakatitig. Saka kinurot niya ito sa hita.

                “Ano ba?” reklamo pa ni Mira sa pagkurot nito sa kanya.

                “Ang landi mo.”

                “Wow! Nahiya ako sa iyo Claire, ang alam ko ang apelyedo mo Slut. Hindi ba?” saka sila nagtawanan dalawa. Normal lang kasi sa kanila ang mag-asaran ng ganoon.

                Pagkatapos nilang kumain ay halos hindi pa nauubos ni Andrei ang pagkain, kasi bigla itong nawalan ng gana sa kakakulit sa kanya ni Rissa, sa totoong ginawa nila ni Jake kanina. Feeling kasi ng dalaga ay umalis itong dalawang ito at naghanap ng babae sa kabilang isla. Na kung saan maraming mga babae ang nandoon. At dahil doon nainis si Andrei at nawalan na nga nang ganang kumain. At dahil doon nagwalk out ang binata at hindi na nga itinuloy ang pagkaini nito. Nagulat siyempre ang mga tao sa hapagkainan noon.

∞ ∞ ∞

                Dahil sa pagkabadtrip ni Andrei sa inasal ng kanyang kasintahan sa harapan ng pagkain nila kanina ay nawalan na ito ng gana. At umakyat sa itaas. Nakaisip naman ng paraan si Diego ng isang laro para hindi sila maboring sa unang gabi nila sa Resort.

                “Let’s play Spin the Bottle.” Wika pa ni Diego saka tumitig kay Jake. Iniwas naman ni Jake ang pagtitig nito sa kanya. Hindi talaga niya gusto ang guts nito. Nakapahangin. Ang yabang ng aura nito. Naiinis siya dito.

                “Ano naman yan?” inis na sagot ni Mira kay Diego.

                “Tanga mo? Hindi mo alam ang Spin the Bottle, kapag sa iyo tumapat yung bote kailangan basagin ito sa mukha mo.” Saka tumawa ng malakas itong si Diego, pero hindi naman natawa ang mga kasama nila.

                “Sound’s exciting.” Tugon pa ni Claire.

                Tumayo na si Jake, ayaw niyang sumali sa laro. Napagod siya sa nangyari kanina at wala siyang ganang makipag-sosyalan sa mga kaibigan ng bestfriend niya.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon