Chapter 18
“Nandito na ako, nasaan ka na?” nasa harapan na si Jake ng isang isla sa may batangas. Isa itong private island na pagmamay-ari ng pamilya ni Andrei. Kausap niya ngayon si Andrei at pinapunta niya rito ang binata upang Makita at makasama niya ito.
“Ano ba ang mga nakikita mo?” tanong pa ni Andrei sa kanya. Magand ang mga nakikita ng binata, ang malawak na dagat ng batangas. Ang masarap na amoy ng simoy ng hangin. Ang bundo na sana kanyang harapan at… at… at…
“Tumalikod ka,” utos pa sa kanya ng kausap niya sa kabilang linya. Napalingon sa likod nito si Jake at halos mahulog na nito ang teleponong hawak niya ng minutong iyon. Nakangiti kasi si Andrei habang nakatingin ng direst sa kanya ang binata.
“Tapos ikaw,” napangiti na rin si Jake noong lumapit ng husto si Andrei sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya ng binata. Nagkatinginan ulit sila sa mga mata ng bawat isa, ang awkward. Ngayon lang ulit ito naramdaman ng bawat isa, hanggang sa natawa silang pareho.
“Nahanap din kita, Mr. Tago,” pabiro pang bulong ni Jake sa tenga ni Andrei, napatayo nito ang maliliit na balahibo ng binata dahil sa mahinang bulong na iyon ni Jake sa kanya.
Siya lamang ang nandito sa islang ito. Pinaalis muna ni Andrei ang mga kasambahay at ganun din ang nangangalaga ng maliit nilang islang ito. Dahil gusto niyang masolo ang bisita niyang ito. Sa isang espesyal na araw na ito. Pumasok na sila sa isang malaking bahay na puros kulay puti. Makikita ang karangyaan ng nakatira dito, bagaman minsanan lang dumalaw ang pamilya ni Andrei dito inaalagaan naman ito ng mga care taker na inilagay nila para manatili ang bagong pigura ng bahay na ito ganun din ang classy interior design ng bahay. Hindi maiwasang mamangha ni Jake sa mga nakikita niya, lahat ay kulay puti. “ nasa langit na ba ako?” tanong nito kayAndrei. Isang kakaibang ngiti ang sinagot ni Andrei sa kanya. “Mamaya makakamtam mo ang langit,” hinampas niyang mahina si Andrei, medyo hindi niya nagustuhan ang sinabe nito. Pero inaasahan na niya iyon. Alam niyang may mangyayari hindi-hindi niya makakalimutan.
∞ ∞ ∞
Isang engrande ang sosyal na hapunan ang pinagsaluhan ng dalawa. Pero dahil sa sobrang tahimik ang lugar nagtawanan nalang sila. Inalala ang lahat ng mga masasayang araw nilang dalawa. Yung araw na Malaya pa nilang naeexpress ang pagmamahal sa bawat isa. Pati yung araw na nagkita sila, yung araw na unang nakita ni Andrei si Jake in his most embarrassing day of his life. And that was the day he love that guy most. At ni hindi na niya nakakalimutan ang mukha nito kahit na matulog ito sa gabi.
Isang kanta ang biglang tumugtog. Inilaan ni Andrei ang kamay nito binata habang may ngiti sa kanyang labi. Napakamot sa ulo nito si Jake at saka kinuha ang kamay ng taong mahal niya. At sabay silang naglakad sa sinasabeng dance floor ni Andrei. Piniwesto ni Andrei ang kamay nito sa bewang ng binata. Napangisi si Jake, tila natatawa sa ginagawa ni Andrei sa kanya. “Wag ka ngang tumawa diyan. Hahalikan kita diyan,” habang si Jake naman ay pinatong ang kanyang kamay sa batok ng binata habang nakatitig ito rito. Walang espesyal sa ginagawa nila, ang espesyal ay yung pagmamahalan nilang dalawa. Yung titigan nila sa isa’t-isa yung nararamdaman ng bawat isa, na para bang wala ng bukas at dinadalangin ng bawat isa na sana nga wala nalang talagang bukas at maubos oras nila habang magkasama pa silang dalawa.
Sa gitna ng kanilang pagsasayaw. Biglang nagsalita si Jake. May tinanong ito sa binata. Isang tanong na tila matagal na niyang gustong itanong sa binata, at kahit na alam niyang hindi ito ang oras para itanong ito sa binata, at sabihin ito sa binata. Wala na siyang magagawa, hindi na kasi niya makakayanan kung hindi niya ito masasabi. Kasi kapag lalong tumatagal, mas lalong lumalala ang sitwasyon. Mabuti pang… tapusin na ang lahat, para wala ng madamay pa.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE YEARS (Revised Edition)
RomanceHanggang saan aabot ang inyong pagmamahalan, kung ang tingin naman ng iba dito ay isa lamang malaking Kalokohan? #Through The Years