CHAPTER 3

1.7K 26 8
                                    

Chapter 3

                Goodnight.

                Pero hindi parin makatulog si Jake. Hindi nito maintindihan ang sarili. Pagod na pagod na ang kanyang mga mata, pero ayaw parin nilang matulog.  Kahit ilang beses niyang pinipilit na ipikit ang kanyang mga mata ay hindi talaga siya makatulog. Nagbilang na nga siya sa isip niya ng mga kung ano-anong bagay para lang makatulog, pero hindi talaga siya tinatamaan ng antok. Hanggang sa marinig nito na magsalita si Andrei.

                “Hindi makatulog?” tanong pa ni Andrei kay Jake.

                “Bakit ikaw? Hindi ka pa natutulog?” balik na tanong ni Jake sa kanya.

                “Kasi, hindi ka pa natutulog, inaantay kitang matulog kasi ang ingay-ingay mo. Galaw ka ng galaw diyan sa itaas, hindi  ako makatulog”reklamo pa nito.

                “Pasensya na ah? Nakakahiya naman sa iyo” sabi pa ni Jake.

                Bigla silang tumahimik at hindi nakapagsalita. Muling binuksan ni Jake ang lampshade. At umupo ito sa kanyang higaan. Tumayo naman din si Andrei sa kanyang pagkakahiga. Niyakap ang kanyang tuhod ng minutong iyon habang nakatitig kay Jake. At pinapakinggan ang malakas parin ng ulan ng oras na iyon.

                “Jake” sinimulang magsalita ni Andrei tumingin naman si Jake kay Andrei na kanina pa nakatitig sa kanya.

                “Bakit ka naging bading? Ang gwapo mo kasi sayang naman yang kagwapuhan mo?!” panghihinayang pa ni Andrei sa bagong kaibigan.

                “Alam mo? Wala ka ba talagang magawa sa sarili mo? Kundi ang pakielaman ang buhay ng ibang tao? It’s my choice at ang kailangan mo lang gawin ay respetuhin at intindihin yung choice kung iyon. Dahil wala ka namang magagawa eh” inis na sabi ni Jake sa kanyang kausap. Nainis ito sa inasal ni Andrei. Nagiging personal na kasi ang mga tanong nito sa kanya. At hindi na siya natutuwa dito.

                “Pagpasensyahan mo na ako? Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigang, alam mo na?”

                “Hoy! For your information. I don’t considered you as one of my friends. Sinong nagsabing magkaibigan na tayo ah?”

                “Ako! I claimed it. Simula ngayon magkaibigan na tayo. Ano? Pwede ba?” kinukulit parin nito si Jake. Gustong gustong kulitin ni Andrei si Jake.

                “Sorry ah? “

                “Saan?”

                “Sa mga nasabi ko kanina. I know it’s not a sin to be like yours. Pero curious lang talaga ako eh. Pasensya na ah?”

                “It’s okay. I understand you. But please, be careful of your words. I know na alam ng pamilya ko about my real identity. Pero hindi ako kumikilos nang ganoon. Nirerespeto ko parin sila dahil sa mahal na mahal ko sila at ayaw na ayaw kong nasasaktan sila” naamazed si Andrei sa mga sinabe ni Jake sa kanya ng minutong iyon. Bigla tuloy niyang namiss ang kanyang pamilya na nasa ibang bansa na lahat. Si Andrei James  Pascual ay ang nag-iisang anak ng kanyang ina’t ama na nakabased na ngayon sa Canada. Siya nalang ang inaantay pero may kung anong hinahanap pa si Andrei sa pilipinas kung kaya’t hanggang ngayon ay nandito parin ito at hinahanap parin yung bagay na siyang magpapasaya sa kanya.

                “May mga tao talaga na hindi kami naiintindihan. Na basura kaagad ang tingin sa mga katulad namin. Na para bang ang dumi-dumi namin, na sobra kaming nakakadiri. Hindi naman masama ang magmahal sa kapwa lalake? Kung doon ka sasaya bakit ipagkakait mo pa?” litanya pa ni Jake sa kanyang kausap, na napapamangha naman sa mga bawat lumalabas sa bibig nito.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon