CHAPTER 6

1.5K 17 2
                                    

Chapter 6

                Masayang umuwi sa condo unit nito si Andrei. May kakaibang ngiti sa kanyang labi noong binuksan nito ang kanyang pintuan. At sinalubong naman siya ng isang taong nag-aalaga sa kanyang bahay na si Manong Tikboy.

                “Mukhang nagiging masiyahin ka nitong mga nakaraang araw ah?” puna pa ng matanda habang kinukuha ang mga gamit ng binata na siyang bitbit nito. Napatalon pang umupo sa sofa itong si Andrei at inalala ang mga nangyari noong mga nakalipas ng oras.

                “Bakit manong? Masyado ba akong naging malungkutin noong mga nakaraang buwan?” balik nitong tanong sa matanda. Hindi nalang sumagot ang matanda at dumiretso na ito sa kusina upang paghandaan ng pagkain ang amo, pero umangal si Andrei. Dahil busog ito, busog na busog na ito.

                Hanggang sa lumapit ang kontrabidang kasambahay niya na si Aling Elsa. Na wala ng ginawa kundi ang umasta na para bang nanay nito.

                “Nag-usap na ba kayo ni Marissa?” tanong pa ng matanda sa kanya, biglang pumintig ang tainga ni Andrei sa tanong ng matanda kanya.

                “Aling Elsa, maganda po ang mood ko ngayon, kaya please! Wag niyo naman akong buwisitin ngayon okay?” inis na sagot ni Andrei saka ito tumayo at iniwan ang matanda. Lumapit si Manong tikboy at sinuway ang matanda.

                “Kahit kailan kontrabida ka.” Suway pa nito sa kanya.

                ∞ ∞ ∞

                Hanggang sa loob ng kwarto ni Andrei ay hindi nito maalis ang masasayang ngiti ni Jake sa kanyang paningin.

                Bakit ka laging nasa isip ko?

                Bakit hindi ka maalis sa isip ko?

                Hindi ka mawala sa paningin ko?

                Bawat bagay na nakikita ko, ikaw ang lumalabas….

                Ano bang meron ka ah?

                Alam ko sa sarili ko na hindi ako BADING! Na straight ako, pero… unti-unti na akong nagtataka sa mga kinikilos ko.

                Nahuhulog na ba ako sa iyo jake?

                Kinakausap nito ang kanyang sarili. Gulong gulo na siya, may parte ng kanyang isip na gusto lagi nitong Makita ang binata at gusto nito laging Makita ang mga ngiti nito sa labi. Gusto niya itong Makita araw-araw.

∞ ∞ ∞

                Kinabukasan.

                Masaya nitong binati ang mga kasambahay nito. Si Manong Tikboy at si Aling Elsa na busy sa paghahanda ng kakainin nila ngayong umagahan.

                “Mukhang maganda na naman ang mood ng Amo namin ah?” bati sa kanya ni Manong Tikboy.              

                “O sya. Dahil sa maganda ang mood mo, baka gusto mo nang kumain ng hinanda ko? Sayang naman kung si Tikboy nalang lagi ang kakain ng hinahanda ko.” Sabat pa nito sa usapan ng dalawa. Niyakap ng mahigpit ni Andrei ang matandang dalaga. At saka ito hinalikan sa noo. Simula pa kasi noong bata pa ito, siya na itong nag-alaga sa kanya. At kahit na ngayon na matanda na siya at gugustuhin pa sana ni Andrei na mag-isa hindi siya pinayagan ng kanyang mahal na ina.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon