CHAPTER 17

1K 14 5
                                    

Chapter 17

                Kitang kita sa mga mata ni Diego na naiinis ito, at hindi na niya alam ang gagawin niya. Doon naman kinabahan si Jake, kinakabahan ito dahil baka magsumbong ito kay Rissa at malaman ng lahat ang patagong relasyon nilang dalawa ni Andrei. Kaya walang ano-ano ay lumuhod ito sa harapan ni Diego upang mag-makaawa na wag itong magsumbong sa kanyang kaibigan.

                “Parang awa mo na Diego, ikamamatay ko kung mawawala si Andrei sa akin, please maniwala ka naman. Gagawa ng paraan si Andrei, at naniniwala ako doon.” Muli na naman siyang umiyak sa harapan ng binata. Hindi gusto ni Diego na may isang taong umiiyak sa kanyang harapan, tatalikod na sana ito at handa nang umalis pero hindi parin inaalis ni Jake ang pagkakapit nito sa hita ng binata habang nakaluhod parin sa kanyang harapan.

                “Tumayo ka!” utos pa ni Diego sa kanya, pero bingi na siya sa mga inuutos nito sa kanya. Umiling-uling pa ang ulo dahilan para mas lalo siyang mainis, mainis sa sarili niya at sa taong nasa kanyang harapan ngayon.  Ano ba kasing meron sa lalakeng iyon? At hindi niya ito maiwanan?

                “Hindi ako tatayo hangga’t hindi ka nangangako na hindi ka magsusumbong kay Rissa,” muli na naman siyang umiyak. Nagmumukha na siyang tanga sa harapan ng lalakeng ito. Hindi ba niya alam ito?

                “Pero hanggang kelan? Kahit na hindi ko naman sabihin, malalaman at malalaman nila iyon. Hindi mo ba alam iyon?” singhal pa nito sa binatang nagmamakaawa sa kanyang harapan.

                “Nanalig ako kay Andrei, alam kong makakagawa siya ng paraan.”

∞ ∞ ∞

                Malungkot at walang ganang kumain si Jake noong umuwi ito ng bahay. Pagkatapos kasi ng konfrontasyon nila ni Diego ng araw na iyon. Pinagpahinga muna siya ng kanyang boss at ngunit hindi kaagad ito umuwi sa bahay nila. Sa café nito inubos ang kanyang natitirang oras bago naisipang umuwi. Nakatingin lang siya sa malayo at gaya ng tinitignan niya. Parang malayo din sa katotohanan iyong sinasabeng gagawa ng paraan si Andrei para sa kanila. Para sa relasyon nilang dalawa.

                At ngayon, sa loob ng kwarto niya. Ni hindi niya maipikit ang mga mata niya kahit anong gawin niya. Namumugtong ito noong umuwi sa bahay nila at kahit na maraming tanong ang kanyang pamilya kung anong nangyari sa kanya, hindi niya ito pinansin at kaagad na nga lang itong dumiretso sa kwarto niya. Yakap yakap ang isang malambot na unan, nakatingala ito sa ceiling ng kwarto niya, inaalala na lamang niya ang mga magagandang ala-ala nila ng taong mahal niya.

                Kaso bigla nalang pumasok sa kanyang isipan ang cute ng mukha ng Diego na iyon. Bigla siyang napangiti. At kaagad niya itong iwinaglit.

                “Kung ako nalang kasi ang minahal mo, hindi ka na nahihirapan ng ganito.” Muli na naman niyang naalala ang sinabe ng lalakeng ito. Gaano ba siya kasigurado na kapag minahal niya itong lalakeng ito ay makakamtam na niya ang kasiyahan na matagal na niyang pinapangarap? At mas lalo pa siyang naparanoid noong bigla ding pumasok sa eksena itong si Rissa. May picture sa kanyang isipan na inaaway siya ng bestfriend nito. May komprontasyong magaganap. Bigla nalang siyang napasigaw… dahilan para kaagad na umakyat ang kanyang nag-aalalang pamilya at mahigpit at haplos na yakap ang ibinigay sa kanya ng kanyang mahal na ina.

∞ ∞ ∞

                Hindi nakapasok si Jake kinabukasan, masama ang pakiramdam nito. Ni hindi nito magalaw ang kanyang katawan sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Tumunog ang kanyang cellphone at kahit na masakit ang katawan nito ay pilit niyang inabot ang kanyang phone na nakalagay sa may side table katabi ng lampshade nito. At noong naabot na niya ito binuksan niya ito at napangiti ito nooong malaman kung sino ang nagtext sa kanya.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon